Carla Abellana, Maricel Soriano nega ang dating sa Metro Manila Film Festival

    447
    0
    SHARE

    Parehong pinag-uusapan sa mga umpukang showbiz ang kanegahan ng dalawang Regal artists na sina Maricel Soriano at Carla Abellana.

    Sa ngayon kasi, tanging silang dalawa na magkasama pa mandin sa isang entry ang sinasabing nega ang dating ngayong panahon ng promo ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival.

    Kaya tuloy inaasahan ng isa sa mga kulelat ang Yesterday, Today & Tomorrow gayung taliwas nama ang maraming komentong naririnig namin tungkol sa trailer ng pelikula. Actually, marami ang nagagandahan sa ttailer nagsasabing perfect ang pagkadirek ni Jun Lana sa pelikulang ito.

    By the way, pati si Eula Caballero na parte ng movie ay nega rin ang dating dahil sa kinasangkutang pagiging lasengga isyu at pananangay ng lalaki sa Batangas noong Undas. Kahit na ano’ng paliwanag pa ni Eula, ayun na nga, kumapit na yung isyung malandi siya at starlet na lang habambuhay.

    Balik kina Carla at Maricel na parehong mayroong unrersolved isyu sa showbiz, pinagsanib na malas daw ang puwedeng dumapo sa YTT dahil nga sa kanila.

    Hindi pa rin daw kasi mapatawad ng publiko si Maricel dahil dun sa isyung pambubugbog at pagmaltrato ng katulong. Kumbaga, marami ang nakisimptaya sa katulong na sinaktan, binugbog at minaltrato ni Maricel.

    Nakabinbin pa rin ang kaso at sa ngayon nega nga ang dating ni Maricel sa publiko.

    Isa pang ikinanega ni Maricel ay yung weidro raw ang dating nito ngayon. Hindi lang madiretsa pero parang lagi raw itong bangag at wala sa sarili. Sa presscon daw kasi, pautal-utal at walang wawa ang mga statement nito na parang lasing o bangag na di mawari.

    Si Carla naman, ayan negang-nega dahil na rin sa isyung ganyan at ganito, partikular na yung pagiging pasaway niya bilang Regal Baby. Lumabas na sobrang prodigal nito dahil naiimpluwensiyahan daw siya ng kanyang manager na negatibo rin ang dating sa showbiz.

    Partikular na isyu ngayon kay Carla yung di niya pagpapaalam kay Mother Lily na gumawa pala siya ng pelikula na kasama si Gov. ER sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, nang walang paalam.

    So ngayong promo time ng pelikula, at kailangang tumulong ito sa promo ng pelikula nila ni Gov. ER, di niya magawa dahil nga eksklusibo siya sa Regal Films.

    Kung ganyang pare-parehong nega ang mga artistang involved sa YTT, paano mong aasahan yan sa takilya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here