Dami ng mga nganga sa mga showbiz parties. Isa po kami sa sunod-sunod na pagnganga sa mga raffles ng TV 5, ABS-CBN at GMA 7 at ng PPL ni Perry Lansigan.
Nganga ang usong term ngayon sa showbiz parties. Ang ibig sabihin – waley, lost, luhaan, walang napanalunan sa raffle.
Sa lahat ng parties na ito, may raffle na in kind at cash. Siyempre, mas feel ng press na datung ang mapanalunan para wala nang effort pa sa pagbubuhat at pagkuha ng taksing masasakyan, huh!
Sa PPL party, may NGANGA sa raffle pero tambak naman ang giveaways. Mas maraming NGANGA sa ABS-CBN dahil sa dami ng invited press.
Naging saving grace na nga lang ’yung masayang My Girl 2011 where we are one of the candidates for fun, but just the same, NGANGA to the max ang karamihan.
In fairness, may giveaways din naman, sabitan ng ID, notebook at isang bag, sa GMA 7, isang notebook at isang ball pen at isang bilog na di namin mawari kung para saan yun. Mas bongga sa TV5 dahil hamon at keso de bola na puwedeng pang Noche Buena.
Kahit limited ang invited dahil di naman kami kasali , fabulous naman ang appliances na pina-raffle ni Rep. Jack Enrile sa kanyang party for a chosen few – microwave, ref at LCD TV plus P10,000 cash.
’Yung hindi nakakuha ng grand prizes, take home ng isang kabang bigas plus bag of goodies mula sa family business ni Cong. Jack ayt bonggang pakimkim kaya talo nito lahat ang mga showbiz parties according to those invioted.
But as we writing this, di pa nagpa-party ang Manila Kingpin: Asiong Salonga ni Gov. ER. It is said na mas bongga pa kaysa last year ang mga papremyo. Bukod sa pakimkim daw na three puk, meron ding malaking cash prizes at mga appliances.
Last year, walng umuwing luhaan sa mga press na inimbita. Lahat ay humahalakhak.
By the time you are reading this, puwede nang sabihing pinakabongga ever sa showbiz ang mga pa-raffle ni Governor |ER.
This might be the reason kung bakit bongga rin ang arrive ng pelikula niya. Dark horse daw ito ngayong Kapaskuhan dahil matagal na nauhaw sa mga action films ang mga barakong Pinoy.