Puwede na ring sabihing pa-XMas party na para sa press ang post birthday party tendered by Flawless para kay Ai Ai Delas Alas noong isang araw sa Naci Restaurant sa Greenhills.
Masaya talagang humarap sa press si Ai Ai and as usual, marami siyang, although pabirong revelation ay puwede mo nang serdyosohin dahil kilalang prangka si Ai Ai.
For instance, galing mismo kay Ai Ai yung tsikang nagkaroon pala sila ng intimacy ek ni Robin Padilla nung gumagawa sila ng isang movie. Yes, intimacy ek nga, na ibig sabihin pinitas na pala ni Ai Ai noon pa ang pagkalaki ni Robin Padilla.
Yes, ayokong mag-deny kasi totoo naman,” sabi pa ni Ai Ai.
Inamin din Ai Ai na flop yung movie nilang yun ni Robin, at ayon sa kanya, baka minalas daw dahil sa karumal-dumal na ginawa nila. “Ayoko nang ulitin, ayaw ko na, baka malasin na naman ako,” seryoso pero parang nagpapatawang sabi ni Ai Ai.
But of course, Ai Ai is in reference ngayong sila naman ni Bossing Vic Sotto ang magkatambal sa filmfest entry na Enteng Ka Ng Ina Mo. Ayon kay Ai Ai, crush niya noon pa man si Vic Sotto pero ayaw daw niyang lagyan ng malisya itong nagkasama na sila.
“Ayaw, tama na lang na sambahin ko siya, yung busilak at wagas na crush, di na aabot sa tikiman, ayoko, ayokong malasin ang pelikula namin,” sabi pa ni Ai Ai.
Isa pang revelation ni Ai Ai-Ai delas Alas sa kanyang birthday presscon at blow-out na rin sa pagkakapanalo niya ng dalawang awards (Best Comedy Actress and Best Single Performance by an Actress) sa katatapos lamang na PMPC Star Awards for TV na sure na sure nang papasok siya sa pulitika sa 2016 elections.
“Hindi pa sure kung anong posisyon pero sa 2016 ako papasok, sure na sure na ’yun,” serysong sabi niya..
Pero gayunpaman ay nagbigay siya ng ideya sa maaari niyang takbuhin. Aniya, kung hindi raw mayor ay baka congresswoman. At posibleng sa Batangas daw dahil taga-Calatagan naman daw siya.
When asked kung sino ang nakaimpluwensiya para pasu-kin ang politics, aniya ay ma-rami raw. Nandiyan si Boy Abunda, si Kris Aquino and even Batangas Governor Vilma Santos.
If and when mabibigyan siya ng tsansa to be a public servant, ani Ai-Ai ay hindi pa rin naman daw niya kalilimutan ang kanyang showbiz career.
Binigay niyang example si Ate Vi na nakakagawa pa rin naman daw ng pelikula kahit paminsan-minsan but of course, ang pagsisilbi na sa bayan ang prayoridad.
“’Yun nga ang sinabi sa akin ni Ate Vi, sabi niya, ‘kung hindi mo pa kaya, marami kang masyadong ginagawa, kung hindi mo pa kayang i-give-up ang showbiz career mo, diyan ka muna. Ngayon ’pag kaya mo na, saka ka pumasok ng politika dahil maraming kakaining oras sa iyo ’yan.’
“Ang gusto kasing mangyari ni Ate Vi, huwag mong pabayaan, hindi puwedeng porke’t si Ai-Ai ka, nanalo ka, ’yung ganu’n lang, nanalo ka lang. Ang gusto ni Ate Vi, gawin mo kung ano ang ibinigay sa iyong posisyon ng taumbayan.
Hindi puwedeng papabayaan mo. ’Yon ’yung gustong mangyari ni Ate Vi, huwag akong magpabaya.
“Kasi madali namang pumasok, manalo, eh. Ang ano is, may ginagawa ka ba? Kasi si Ate Vi, nakita ko kung paano siya naging mayor, kung paano siya naging gobernadora, nakita ko kung gaano siya kasipag, kadedikado, ’yun ang gusto niyang mangyari sa akin.
Hindi puwedeng ’yung nandiyan lang ako, kailangan ’yung ramdam mo na may ginagawa ako sa taumbayan, hindi ’yung kung anu-ano lang.”
Sa ngayon, bilang paghahanda sa pagpasok niya sa politics ay nag-aaral siya sa UP-NCPAG (National College of Public Administration and Governance).
By the way, ngayon pa lang ay hinuhulaan nang magiging no. 1 ang movie sa box-office dahil pinagsama na sila ni Vic na as we all know ay lagi niyang nakakalaban sa nasabing slot.