True ba???
    Maja Salvador tried hard to snatch Paul Soriano from Toni Gonzaga?

    1099
    0
    SHARE

    From the looks of it, mukhang scripted lang talaga ang mga tsismaks na naging kulakadidang ni Direk Paul Soriano si Maja Salvador. Oo nga naman, very cinematic ang dating kung parang magiging triangle sina Maja, Paul Soriano at ang real life GF ni direk na si Toni Gonzaga.

    Sa true, wala naman kaming nabasang tsismis noon pa man tungkol sa sinasabing di umano’y pagtatangka ni Maja na agawin si Paul kay Toni.

    Obvious na obvious na made up lang talaga’ng slant para may dahilang magsintir at umiyak si Maja during the presscon of the movie. Ang ganda nga naming tingnan, and for sure, maka-elicit ito ng awa at panooorin ang movie na slated na nga for showing.

    Actually, noong isang taon pa inumpisahang gawin ang movie, kaya medyo matagal bago ito natapos. Isa lang itong indie movie which Direk Paul conceptualized and dahil nga sa kakulangan ng capital, ayan nga pati na si Maja ay ginawang producer ng movie. Lumalabas na part producer si Maja dahil ang talent fee niya goes to the expenses of the production cost.

    Sabi nga namain, nag-emote pa with cying ek si Maja pero halatang pilit lang niyang pinatulo ang mga luha para ma-justify yung sintir niyang inakusahan siyang mang-aagaw, lasengga at kung anik-anik pa.

    In the end matapos niyang pahirin ang mga luha niya, balik siya sa happy mode lalo na nung si Matteo Guidicelli na’ng topic sa kanya.

    Naging masaya ang mood ni Maja ng may nagkomento na ang ganda ng finale episode ng Minsan Lang Kita Iibigin at ang daming nag-tweet ng mga papuri na maging si Matteo Guidicelli, nag-tweet ng “I’m very proud of you.”   Siya ba ang pinatutungkulan ng young actor?

    “Marami pong nag-tweet na I’m very proud of you,” nakangiting say ni Maja habang nagpapahid ng luha.
    Ano nga ang masasabi niya?

    “Thankful naman ako na he’s very supportive.”

    Dagdag niya, very happy siya sa nagiging resulta ng career niya at ang dami raw blessings na dumarating sa kanya.

    Happy rin ba siya sa personal aspect ng buhay niya?

    “I’m very happy po,” say ni Maja.

    Hindi kaya kailangan na niyang umamin na may boyfriend na siya para hindi na siya nali-link kung kani-kanino? Hindi kaya dapat aminin na niyang sila na ni Matteo?

    Natawa na lang si Maja.

    “Basta I’m very happy po na he’s always there, supporting me, inspiring me rin. At saka, telling me not to give up sa kahit anong issue.”

    O ayan, saan pa lulugar si Paul Soriano sa puso niya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here