Gobernador ng Maguindanao, ka-on pa rin ni Ynez Veneracion

    404
    0
    SHARE

    Hayagan ngayong ipinakikita sa publiko ni Ynez Veneracion na dumadalaw sa kanya ang noon ay dini-deny niyang lover na goberandor ng Maguindanao, na kalaban ng mga Ampatuan. 

    Noong panahon kasi ng eleksyon, naging parte si Ynez ng kampanya and was never afraid to expose herself sa sinasabi niyang danger na kaya siya nag-deny sa tunay na relasyon nila ng gobernador ay dahil takot siyang madawit sa mga kaaway nito.

    Sa isang interview session, nagsalita nga si Ynez.

    “Actually, wala na kami,” buong ningning niyang sabi. “We met when I campaigned for him in Mindanao noong election. April last year. Sinagot ko siya, June.

    We broke up in May this year. Mabait siya, treated me like a princess, so I can’t complain. He’s a widower at naging close ako sa walong anak niya.

    “Baby pa yung bunso kasi his wife just gave birth when she was killed by their enemies. Kaya lang, gusto niya, du’n na lang ako, mag-convert as Muslim and not work anymore. Ayoko.

    Hindi ako sanay sa buhay roon. Eh, dumating itong offer from Direk Maryo de los Reyes to do ‘Munting Heredera’. Na-miss ko rin talaga ang pag-arte so I’m happy to be part of this hit show.

    But nu’ng first few days ko, para akong nanganganay. Para akong baguhan uli.  Buti na-revive ang acting ability ko dahil sa galing ng mga kasama ko rito.”

    Bakit ngayon lang siya umamin?

    “For security purposes. May political enemies siya. So nag-iingat din ako. But now na hindi na kami, okay na.”
    As the interview goes on, dumating si governor at binisita nga si Ynez.

    “Nag-split naman kami ng maayos so friends pa rin kami.”

    How about her other ex, Mon Confiado? “11 years kami together so friends pa rin kami. Close ako kahit sa family niya.”

    Hindi kami naniniwala, kayo?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here