Manny Pacquiao gaya-gaya kay Willie Revillame

    356
    0
    SHARE

    Pustahan di naman talaga magtatagal sa ere yung game show ni Manny Pacquiao na kuning-kuning ay mamimigay daw ng malaking premyo. Take note na galing daw mismo kay Manny yung mga papremyo nila.

    Kiyems! Nunca, never gagawin yun ni Manny. Kung gusto lang talaga niyang mamigay ng pera, bakit idadaan pa sa game show? Dapat, yung mga constituents niya sa Saranggani ang tulungan niya. 

    Sila ang nangangailangan talaga roon, and with Manny Pacquiao as congressman ng naturang probinsya, malaking bagay ang magagawa niya. Dapat na lang itigil ang kanyang pamumulitika sa tv. Malinaw na malinaw, may mas mataas na posisyong tinatarget si Manny kaya ayan, kuning-kuning na game show na mamimigay siya ng pera.

    Sa true, hindi niya nature ang maging generous and that’s that.

    Kaming mga reporter, we know a showbiz personality kung generous o hindi Kahit hindi pa personal yung mamimigay sila, hindi makalalampas yung asta niya pagdating sa pera. Definitely, hindi ang personalidad ni Pacquaio ang maging mabait sa press.

    Bakit may nabalitaan na ba kayong reporter na nabigyan na medyo paldo ni Manny?

    Itanong natin sa mga PR ng kanyang Show Me The Manny or yung mga carolers na tumapat sa show ni Manny noong Pasko.

    Wala di ba?

    Kaya hindi siya puwedeng makipag-kumpetensiya talaga kay Willie Revillame, na nabigyan na ng image na generous. For Manny, matagal na proseso pa pa bago paniwalaang talagang mamimigay nga siya.

    Sabi nga sa probinsiya namin, subukan pamu, para mabalu!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here