Manager ni Carla Abellana ‘trinaidor si Mother Lily

    485
    0
    SHARE

    Sa ibinigay na appreciation dinner ni Mother Lily Monteverde sa lahat ng officers at members ng PMPC, naikuwento ni Mother na sumama ang loob niya at nagtampo kay Carla Abellana.

    Ito ay nang malaman daw ni Mother Lily na tinanggap ni Carla ang pelikulang Kingpin kung saan gaganap siyang wife ni Gov. ER Ejercito (as Asiong Salonga). Hindi raw kasi nagpaalam sa kanya si Carla.

    Si Carla kasi ay may exclusive contract sa Regal Films at karapatan ni Mother  na mag-demand ng respeto mula sa actress na itinanghal na Best New Actress sa katatapos na PMPC Star Award for Movies.

     Katuwiran ng road manager ni Carla na si Arnold (ano nga ba ang apilyedo?) hindi naman for local exhibition ang Kingpin dahil sa Korea filmfest ito isasali. Pero dahil nga may existing exclusive contract si Carla sa Regal Films, nararapat talagang  humingi muna siya at ang kanyang road manager ng permiso kay Mother Lily bilang respeto.

    Ang kaso nga lang, nagmagaling itong road manager at nanghinayang sa kikitain ng alaga sakaling hindi sila payagan ni Mother kaya  mistulang ‘trinaydor’ ang Regal matriarch.  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here