Maja Salvador, Matteo Guidelcelli ayaw umaming sila na

    339
    0
    SHARE

    Ayon kay Matteo Guadacelli nang makatsikahan ng press sa nakaraang Star Awards for Movies held at Resorts Word, wala naman daw siyang inaaming sila na ni Maja Salvador.

    Giit nga ng isang reporter, napanood daw niya ito sa Juicy ng TV5 pero pag-i-insist din si Matteo, wala naman daw ganu’n. “Hindi naman ako umaamin po. Wala po akong inaamin,” say ng young actor.

    Ang tsika pa, kaya nga raw umamin si Matteo ay dahil sa nagselos ito sa biglang paghalik ni Coco Martin kay Maja sa isang mall show.

    “Hindi naman. Hindi naman ako nagseselos,” sey pa niya. “Sa lahat po ng mga interviews ko, kami ni Maja, special kami sa  isa’t isa. We’re very very close friends, naggo-group dates kami, lumalabas kami kasama ang mga kaibigan namin.

    “Wala lang, ini-enjoy namin ang pagkakaibigan naming dalawa, 10 months na kaming magkaibigan since  Inday sa Balitaw ng Wansapanataym,” dagdag pa ni Mattero.

    May tsismis na may ibang boyfriend  si Maja, alam ba niya ’yun? “Wala po. Sigurado ako na wala,” sagot niya.
    Walang iba dahil siya talaga ang boyfriend?   Nagtawanan na lang at naputol na ang interbyuhan.

    Anyway, live na mapapanood si Matteo sa July 2 concert sa Zirkoh Tomas Morato entitled Pagdating ng Moment na kung saan ay kasama niya sina Aiza Seguerra, Erik Santos, Princess Velasco, Ate Gay.

    Front acts naman sina Arthur Pangilinan, ang bagong Best Child Performer ng Star Awards na si Timothy Chan, Alexzies, Marc Cubales at Myron Pareño.

    Si Maja naman, walang paliguy-ligoy na walang katotohanan na mayroon siyang non-showbiz boyfriend.

    Pero iwas-pusoy din siya sa pag-aming sila na ni Matteo.  Kahit kasi nali-link si Maja kay Coco Martin, alam ng publikong gimik lang sa kanila ng huli.

    Si Matteo na talaga’ng lalaki niya at tumatawa lang si Maja kapag tinatanong siya ng press. Ayaw niyang umamin pero ayaw din niyang itanggi ito.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here