Jolo Revilla, Kuya Germs handang ilibre ang sarili para sa masa alang-alang sa mga minamahal

    262
    0
    SHARE

    Sinasagot ni Kuya Germs yung mga naglalabasang puna sa kanya na ka-package deal daw niya’ng alagang si Jhake Vargas. Na kaya raw niya giangawa yun, kahit libre, sumasama siya sa mga shows ni Jhake at umaakayat pa sa stage ay upang protektahan ang kanyang alaga. Noong unang nag-show daw kasi ito, naging mukhang kawawa dahil nga napabayaan, hindi man lang nabigyan ng importansiya. Kaya simula noon, Kuya Germs joins his talent onstage para naman di ito mapabayaan.

    Anyway, okey lang naman talaga kay Kuya Germs na libre, alam niyang makadadagdag kasiyahan siya sa mga shows kung nasaan ang kanyang alaga. “Pero kung bibigyan ng budget why not.  Ang mahalaga, kinukuha nila si Jhake at yan ay pinasasalamatan ko na,” sabi pa nito na nakangiti at hindi apektado kahit na na ano’ng sabihin ng iba.

    Pero kung kami si Kuya Germs, wag na siyang mag-fret, kung pinapansin man siya. Alam kasi ng mga nagsusulat that Kuya Germs is such a big name in the industry na kailangan naman matumbasan yung presence niya sa mga shows ni Jhake.

    Alam kaya ni Kuya Germs na hindi naman siya’ng unang gumawa nang ganoon?

    Noong mga panahong wala pa si Jhake at si Lovi Poe ay kasalukuyang gumagawa ng pangalan, na nagging karelasyon niya si Jolo Revilla, ganoon din ang naging set up nila. Jolo, being in love with Lovi was always tailing sa mga out-of-town shows ni Lovi. Maybe, to make sure na mapo-protektahan niya’ng iniirog. In some points, dahil andun na rin naman si Jolo sa mga shows, umaakyat na rin naman siya sa stage to join Lovi.

    Especially those times, magka-love team of sort ang dalawa sa isang haponserye and Jolo saw the need to promote their tandem. Kaya kahit libre, nakikikanta na rin siya sa stage.

    Ano na nga ba’ng paboritong kanta’ng pinagdyu-duet-an noon nina Lovi at Jolo?

    Kaya Kuya Germs, ituring mong karangalan yung kahit libre, umaakyat ka sa mga stage where your alaga is.

    Marami rin naman ang pumupuri dahil sa ginagawa mong yan. Jhake ,we know will not be the last of your talents, at sana, gawin mo rin yan sa mga sumusunod mo pang mga alaga.

    This is in a way, giving out the service sa mga taong sumuporta sa ‘yo ever since na nagsimula ka sa showbiz. At least, napatunayan mong hindi pera-pera lang ang lahat.

    Sana, bukod kay Jolo Revilla na gaya mo ay mabait din, marmi pang tumulad sa inyo na kahit libre, handa kayong sumuporta sa mga taong mahal ninyo sa buhay.

    Ganunned!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here