Iwa Moto niligwak nga ba ng GMA 7?

    326
    0
    SHARE

    As of this writing, nabalitaan naming frozen ang kontrata ni Iwa Moto sa GMA-7 dahil sa kontrobersya at gulo sa kanyang lovelife?

    Patatawarin na raw sana si Iwa sa mga ekskandalo niya’t tatawagan para mag-shooting pero hindi pa ito puwedeng makasipot dahil nga nagtangka itong magpakamatay. Meanwhile, lahat ng mga eksena niya sa bagong comedy series ng GMA ay bitin.  Kumbaga, they decided to just make ligwak to Iwa Moto at walang nakaaalam kung kelan siya kukuning muli.

    May mga report na pinabura nsa tarpaulin layout ng serye si Iwa at maging sa Munting Heredera di na rin tuloy ang participation niya.

    Ang ibig kayang sabihin ng frozen contract, hindi muna siya bibigyan ng show habang hindi naaayos ang gulo sa personal niyang buhay?

    O baka naman panandalian lang ito at palilipasin lang ang inis ng publiko, pagkatapos muli nilang kukunin si Iwa Moto?

    Lalo pang malulungkot si Iwa sa narinig naming tila may kino-consider ng aktres na papalit sa role niya sa Andres de Saya. Kailangan kasi nang may pinagseselosan ang karakter ni Iza Calzado kay Andy (Cesar Montano) at kung wala si Iwa, kailangang maghanap ng kanyang kapalit ang staff.

    Sino naman  kaya ang ipapalit kay Iwa?

    Pero heto ang hitch: Bakit kasali si Iwa sa trailer ng sitcom? Paulit-ulit yung eksenang kasali si Iwa as if major star din siya ng sitcom?

    Nililinlang ba tayo ng GMA 7 at pinalilipas lang ang inis natin at kapag di na natin pansin, buong ningning naman palang kasali si Iwa?
    Nagtatanong lang!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here