Katrina Halili out na sa sirkulasyon?

    322
    0
    SHARE

    Laos na nga ba si Katrina Halili?  Di na nga ba siya talaga makababangon dahil sa kontrobersyang pinagdaanan niya?

    Dahil ba madalang ang mga project na dumarating, puwedeng sabihing out na talaga sa liga si Katrina Halili?
    Pero teka, may project si Katrina. Malaki ang role niya sa bagong teleserye ng isang network and this could be the vehicle para makabalik na siya. Muling mapapanood si Katrina Halili sa family drama ng GMA-7 na Munting Heredera na magpa-pilot sa Monday, May 9.

    Gagampanan niya ang role ni Lynette, kontrabida sa pagmamahalan nina Camille Prats at Mark Anthony Fernandez at lahat ay gagawin niya para masira ang relasyon ng dalawa.

    First time ni Katrina na makatrabaho si Camille, pero si Mark, nakasama na niya sa Darna, kaya parang reunion nila ang Munting Heredera at wala nang ilangan sa kanila kahit magkaroon pa sila ng kissing scene sa soap.
    Ngayon lang makakatrabaho ni Katrina ang veteran actress na si Gloria Romero na ngayon lang mapapanood sa GMA-7.

    Sabi ni Katrina, mabait ang aktres noong magkita sila sa storycon pa lang at excited na siyang maka-eksena ito.
    Kontrabida na naman ang role ni Katrina sa Munting Heredera at natatawa ito dahil mas nagrereklamo pa ang fans niya kesa sa kanya.

    “Concerned lang siguro sila sa akin, pero ako, kahit anong role ang ibigay sa akin, okey lang ako. Kahit forever kontrabida ako, walang problema dahil walang masama sa pagiging kontrabida.

    “Saka, sa pagiging kontrabida ako hinahanap ng tao, kaya ’yun ang ibigay natin,” sabi ni Katrina.
    And speaking of Katrina, kakambal na yata niya sa ngayon ang kontrobersya nila ni Hayden Koh. Na habang panahon na itong magmamarka sa kanya that everytime the press talk to her, lagi itong nauungkat.

    Kumusta na ba ang pakiramdam niya?

    Galit pa, nasasaktan pa rin?

    “Hindi na, okey na ako, wala ng galit, ako kasi ang talo kapag pinaiiral ko pa’ng galit. Naka-move on na ako. Sa akin, tapos na pero di ko makalilimutan.”

    Napatawad ba ba niya si Hayden Koh?

    “Paano kong patatawarin ang isang taong di naman humingi ng kapatawaran?”
    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here