Mga desperadong senior actor

    346
    0
    SHARE
    The height of kadesperaduhan na talaga yung pagganap na bading nina Bembol Roco at Tirso Crtuz 111. If they think, nakatulong sa kanilang career yung kuning-kuning that in the name of versatility, gumaganap silang gays, sorry na lang, di true yun. At the most, kahit na sinong bading sa totoong buhay gaya nina Manny Castaneda at iba pa niyang kaliga can do justice to the roles.

    Susme, gaano ba kalaki ang mga roels nila. To think na below supporting status sila and at the most, ginawa lang silang novelty at katatawanan sa mga teleseryeng ginagampanan nila.

    Ano ‘yun, ka-stature na lang nila si Shalala?

    Desperado na sila, mas desperado pang mga moves nila.

    If they think they can approximate that of Eddie Garcia’s roles in the past, or yung kina Ronaldo Valdez and of the late Dindo Fernando, mali sila. Mga lead roles yung ginampanan ng tatlo gayung pandekorasyon lang at caricature yung kina Bembol at Pip.

    Bembol plays a transverstite in Beauty Queen while Pip plays also a gay in I Heart U Pare. We know for a fact, na may kanya-kanyang bida ang dalawang teleserye.

    Kaya sana, mag-isisp isip ang dalawang ito next time.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here