Pauleen Luna minor support lang sa bagong teleserye

    326
    0
    SHARE
    Kasisimula pa lang ng taon, heto at nagsisimula na naman ang intriga sa buhay ni Pauleen Luna. Sobrang minor lang kasi ang role ni Pauleen sa bago niyang teleserye at sinasabi nga ng mga detractors niyang maliit na artista lang daw ito. Kumbaga, she never took off at talagang wala naming naging positive effect sa buhay niya’ng pagiging mainstay sa Eat  Bulaga.

    Kaya sa presscon ng teleserye ng GMA7 na Dwarfina last Tuesday, iwas-pusoy si Pauleen.

    “Ayoko na ng intriga. Kahit minor-minor pa ang role ko dito, wa na muna ako elaborate. Focus na muna ako sa work. Sa totoo lang , hindi naman ako na-zero last year. Nakatatlo rin akong teleserye, including this one na last year namin sinimulan ang taping. Okey lang sa akin maging major-major ang layo ng name ko sa billing nina Heart Evangelista at Dennis Trillo. Baka pagmulan na naman ng intriga kung may reaction na manggagaling sa akin.”  

    Yes, bhukod sa pagiging maliit na starlet, sinasabi ring laging kontrabida ang role niya, Kagaya nga ngayon, evil siya na kalaban ng bida.

    “Okey lang po ‘yun, ang importante, mapapansin nila ang role. Nagmumukha lang minor-minor, pero, maganda ang role ko bilang daughter ni Angelika dela Cruz, isang powerful, pero evil dwarf. At minor-minor din ang pagiging antagonist ko. Hindi tulad ng Mom at Dad ko ritong sina Angelika at Emilio Garcia.”

    Loveless din daw siya ngayon.

    “Pero, hindi lovetorn. I ‘m not lonely. I’m happily single,” nakangiting say ng dalaga.

    Itinatanggi rin niya na may posibilidad na magkakabalikan sila ng dating dyowang na si Mayor Sherwin o si Marvin Agustin dahil mahilig nga daw siya sa mas “matatanda” sa kanya.

    “Hindi naman matanda sina Sherwin at Marvin,” pagtatanggol ng aktres sa dalawa niyang past.

    Ibig sabihin, may maganda silang pinagsamahan ng kanyang mga ex? Your guess is as good as mine.

    At pangako nga ni Pauleen, bawal nga raw muna’ng intriga sa buhay niya ngayon.

    “Naka-qouta kasi ako last year, kakainis. Puro intriga lang ang napag-usapan. I allowed it to happen naman kasi, kaya, huwag na rin sana akong ma-provoke para maging mas maganda ang career ko this year,” katwiran ni Pauleen,

    Na-involve kasi si Pauleen sa intriga against  the “Ampalaya Anonymous” group na humaba nang humaba.

    Dalawa pa lang sa mga miyembro ng grupong ito ay masalimuot na agad. Angel Locsin ba naman at Cristine Reyes, na hindi lang sikat kungdi may major-major fans pang sumusuporta. Eh, ’di sumakit talaga ang ulo niya.

    Nagbalik din ang intriga tungkol sa panliligaw sa kanya ni Gerald Anderson, kaya todo-explain na naman siya.

    Pinanindigan niya na may mga witness siya na totoo ngang niligawan siya ng dyowa ni Kim Chiu.

    Alam naman ni Pauleen na talo siya. Siya ang nagamit, dahil nga walang movie na ipino-promote. Anong advantage ng pag-iingay na iyon?

    Wala lang, di ba?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here