New year na new year ay napakasama ng balitang nakarating sa amin. Natagpuang patay ang isa sa mga miyembro ng Baywalk Bodies na si Rejoice Rivera sa NLEX (North Luzon Expressway) noong Dec. 31.
Brutal na pinatay si Rejoice dahil may isang tama ng baril sa sentido ang dalaga.
Ang manager ng Baywalk Bodies na si Lito de Guzman ay lumung-lumo sa nangyari. Ayon sa text messages na ipinadala nito sa mga kaibigan, apat na araw nang nawawala ang alaga.
“Kawawang-kawawa ang pagkalunos na pagkamatay ng alaga ko. Napakabuti niya. Sobrang walang kaluluwa ang gumawa nito, walang puso, sobrang demonyo ang gumagawa ng ganitong klaseng murder,” ang text ni Lito sa kanyang mga kaibigan.
Napag-alaman na noong Dec. 28 pa umalis ng bahay si Rejoice at magbuhat nu’n ay hindi na nakabalik. Nagpaalam daw ito na makikipagkita sa isang kaibigan at kasalukuyan nang iniimbestigahan kung sino ito.
Na-depress kami nang makita namin sa Facebook ang naka-upload na picture na kuha mula sa morgue kung saan ay nakamarka pa ang tama ng bala sa kanyang ulo.
Humihingi ng hustisya ang pamilya, manager at mga kaibigan ni Rejoice sa hindi makataong ginawa sa kanya.
Sa kasalukuyan ay wala pang lead kung sino ang pumaslang kay Rejoice at kasalukuyan pang iniimbestigahan ang mga pangyayari.
Si Rejoice ay isa sa original members ng Bay-walk Bodies, marami na ang nadagdag at napalitan sa miyembro pero nanatili siya sa grupo. She died at the age of 26.
Nakaburol ang labi ni Rejoice sa Blue Cross Memorial Chapel sa Blas Ople Road, Malolos, Bulacan.
Nakikiramay kami sa mga kaibigan at kaanak ni Rejoice at nakikiisa kami sa paghingi ng hustisya para sa kanya.