Natanong kung na-offend ba si Luis Manzano nang kumalat ang balitang nasilipan siya at nag-hello ang kanyang private part sa shooting ng Petrang Kabayo?
“Hindi ako na-offend kasi kasalanan ko naman. Second is, alam ko, I’m very, very secure na walang lalabas sa film, sa videos, kasi alam ko ang posisyon ng camera.
“Second, sabi ko nga, walang ibang puwedeng sisihin kundi ako and production took the necessary steps na walang nakakuha ng video. At sigurado naman ako, ang bilis lalabas nu’n (kung meron).”
Pero okay lang sa kanya na napaligaya niya ng araw na iyon ang mga bading na nakakita ng kanyang itinatagong kayamanan?
“Kung ano ang magagawa ko para sa gay community, gagawin ko. And siguro kahit paano, nagawa ko after In My Life na I portrayed an intelligent gay man, siguro, ito naman, para sa pagnanasa ng gay community,” natatawang say ni Luis.
Hindi rin nakaiwas si Luis sa tanong tungkol sa feud nila ni Mariel Rodriguez. Matatandaan kasing umamin si Luis na may tampo siya sa kaibigan at katrabaho.
“Kami ni Mariel, hindi pa kami nagkakausap since… honestly, hindi ko maalala. Pero ’yung sa amin namang dalawa, kaya kong sabihin na, kagaya ng sinabi ko sa E-Live, ’yung sa amin ni Mariel, it’s basically, ako, may tampo ako sa kanya.
“Hindi siya kasing seryoso ng mga nagiging intriga ngayong binabato sa kanila at sa mga nadadamay sa issue. ’Yung sa akin, it’s a very, very personal tampo lang.”
Hindi pa nawawala ’yung tampong ’yon?
“Hindi naman sa hindi nawawala, pero siguro, the only way siguro is magkausap kami or kung anuman. Pero para sa akin, okay naman ako, nagkaroon lang ako ng maliit na tampo sa kanya, so, ayoko nang palakihin pa. Kumbaga, kung ano ’yung tampo ko, very, very minor lang naman.
“Kumbaga, tampong kaibigan. So, kung ’yung mga naka-issue nga niya, no matter what the issue may be, they chose to keep quiet about their respective issues, eh, sino ba ako para magdada pa sa issue ko? ’Yung sa amin, it’s just one of those things.”
Hindi masabi ni Luis kung babalik pa si Mariel sa E-Live since nag-reformat, dinagdag sina Nikki Gil at Cesca Litton at latest addition nga si Ogie Diaz.
“Pero sabi ko nga, isa si Mariel sa pioneers ng E-Live, so, she will always have a space naman. If she’s coming back, kahit ako, hindi ko masabi, siguro ang makakasagot diyan, ang E-Live family.”