Mariel Rodriguez, di pa nagpapakita sa kanyang grandparents

    488
    0
    SHARE
    Kahit na umiiyak, nagbigay pa rin ng congratulatory blessings ang mga grandparents ni Mariel Rodriguez sa supposedly ay pagpapakasal nila ni Robin Padilla.

    Ang lola ni Mariel ay dating starlet na taga-San Antonio, Nueva Ecija. Ito ay si May Villarica na kilala rin naman nung kanyang kapanahunan.

    Hindi puwedeng sisihin ang grandparents ni Mariel Rodriguez na mag-react not just with surprise but with hurt feelings sa desisyon ng apo na pakasalan si Robin Padilla na ’di man lang nag-abiso sa kanila.

    Both of Mariel’s grandparents reportedly said they would not have stopped her sa kanyang desisyon. Tutal nga naman nasa tamang edad na si Mariel.

    Na-meet na rin pala ng lola at lolo ni Mariel si Robin and their impression of him is that mabait at magalang ang actor.

    Dalawang magkapatid sina Mariel, who has an elder sister, na may asawa na rin. Parehong lumaki ang mga ito sa kanilang lolo at lola dahil nga ang babata pa nila nang maghiwalay ang kanilang parents.

    After na-dissolve ang marriage ng ama’t ina ni Mariel, nagpakasal ang mga ito sa iba.

    To date, may kanya-kanya ng pamilya ang mga parents ni Mariel. At pareho ring naninirahan sa Amerika.

    Minsan nabanggit ni Mariel sa interview na may pagka-spoiled siya dahil nga laking lola siya. Pero, mahal na mahal daw niya ang mga ito and she cannot imagine hurting either of them.

    As of this writing, ’di pa nadadalaw nina Robin at Mariel ang dalawang matanda. But knowing how much they love Mariel, they will be only too glad to give her and Robin their blessings.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here