Libog sa katawan di pa type na mawala ni Rosanna Roces

    502
    0
    SHARE
    Sa kanya mismo nanggaling yung namatay siya kamakailan.. Nakasama namin si Rosanna Roces sa Paparazzi guesting noong Sunday at talaga namang nakaka-excite ang pagharap niya sa amin at kasamang iba pang press. But of course, Osang was on her usua glib at  sinagot ang lahat ng mga tanong na ibinato sa kanya. 

    Well, I am just luckier dahil maaga akong sumipot, nagkaroon ako ng chance na makausap siya ng one-on-one.

    Anyway, yung ‘pagkamatay’ niya kalian lang ang paboritong i-discuss na toic ni Osang ngayon.  Nag-near death experience kasi siya nng bumagsak sa taping ng Talentadong Pinoy.  “Nakita ko ang tatay ko, pati na yung kapatid kong kamamatay lang, talagang pilit nila kong isinasama. Mabuti na lang tumanggi ako, kung hindi baka patay na ako ngayon,”sabi pa niya.

    We supect, Osang has diabetes segun sa mga kuwento niya. Being diabetic, alam na naming ang mga sintomas ng isang meron nito. “Ayokong malaman, ayoko, gusto ko munang hanapin ang mga angkan ko, you see, di ba ampon lang ako, gusto kong malaman kung ano ang naging sakit ng mga ninuno ko. Meanwhile, sa Diyos ko na lang ipinaaubaya ang lahat,” sabi pa nito.

    Sabi niya ulit.  “Ay, ayoko ng diabetes, baka naman mawala ang libido ko, sa lahat ng bagay na ayaw kong mawala ay yung libog ko sa katawan, yan na lang ang kaligayahan ko,” humahalakhak na sambit pa ni Osang.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here