Jay-R Siaboc nalaos dahil sa dyowa

    425
    0
    SHARE
    Nagpapasalamat si Jay-R Siaboc dahil binigyan siya ng isa pang pagkakataon ng Star Magic at ABS-CBN. Aminado naman siyang may kasalanan din siya kung bakit medyo nawala siya sa sirkulasyon noong nakaraang taon.

    “Malapit na, eh, makukuha ko na sana,” say niya nang makausap namin siya sa birthday presscon para sa January talents ng Stat Magic.

    Ang tagumpay sa career ang sinasabi ni Jay-R na malapit na niyang makuha dahil noong time na ’yun ay one after the other ang paggawa niya ng proyekto. Matatandaang ipinareha pa siya noon kay Maja Salvador sa Pangarap na Bituin at dahil maganda ang feedback sa tamabalan nila ay nasundan pa ito ng Kapitan Boom.

    Pero along the way ay na-in-love si Jay-R kay Irish Fullerton na ka-batch niya sa Pinoy Dream Academy at dito na nagsimulang maiba ang landas ng kanyang career.

    Ayon kay Jay-R, ang sinasabi raw kasi sa kanya ng mga tao noon, nakakaapekto ang relasyon nila ni Irish sa career nila.

    “Parang naghahatakan daw kami (pababa). Siyempre, hindi naman namin nakikita ’yun. ’Yung mga ibang tao ang nagsasabi. Pero kahit ayaw man naming tanggapin, parang meron talaga, eh. Kasabay pa noon, tumaba rin ako,” he said.

    Last year ay naghiwalay na sila nang maayos ni Irish at siguro raw, hanggang doon na lang ang relasyon nila.

    “Masyado na ring maraming nangyayari, so, nag-usap na rin kami na maghiwalay na nga lang. Nandu’n pa ’yung pagmamahal pero siyempre, mas dapat naming piliin kung ano ang mas mahal pa namin.”

    Inamin naman niyang may pagsisisi on his part na naging pasaway siya.

    “Siyempre, andu’n ‘yung parang nagsisi rin ako kahit paano. Pero ayoko ring masyadong dibdibin kasi nga, alam ko naman na kagagawan ko ito. Ako rin ang may kasalanan, so parang… bahala na, ako, babawi na lang ako kung bibigyan ako ng tsansa. And ngayon naman, dahan-dahan, binibigyan ako ng chance ulit para mapatunayan ko ulit sa kanila na gusto ko, na kaya ko.”

    Pumayat na si Jay-R ngayon at katatapos lang niyang mag-guest sa Pepeng Agimat ni Jolo Revilla na napapanood every Saturday. Semi-regular pa rin siya sa ASAP XV at sana nga raw ay magtuluy-tuloy na ang pagkakaroon niya ng projects.

    “Sa ngayon, tapos na ang taping ko ng Pepeng Agimat, sana , magkaroon ulit. Ngayon, pakanta-kanta muna, pasulat-sulat (ng kanta), ’yun,” say niya.

    May communication pa rin naman daw sila ni Irish at magkaibigan naman sila. Happy siya na may project na ang ex-girlfriend dahil nakasama ito sa Rubi ni Angelica Panganiban.

    Jay-R celebrated his 23rd b-day last Jan. 21.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here