Mariel Rodriguez hinahabol ng stalker

    375
    0
    SHARE
    Na-shock si Mariel Rodriguez nang paglabas niya sa PBB House after niyang mag-host ng Pinoy Big Brother Double Up Uber ay isang lalaki ang humabol sa kanya nang papunta na siya sa kanyang kotse.

    Aminado si Mariel na ikinatakot niya ang naturang pangyayari.

    Aniya sa Showbiz News Ngayon: “Natakot talaga ako. Sinusundan talaga niya ako hanggang sa makasakay ako ng car. As in tumakbo talaga siya tapos ginaganoon niya ang car ko.”

    Napag-alamang stalker pala ni Mariel ang guy. Bago pa raw kasi ‘yun nangyari binalaan na siya ng mga guwardiya ng PBB House na may lalaking aali-aligid at nagpipilit pumasok para makita siya.

    Marami raw sinasabing dahilan ang stalker para lang payagan ng mga guwardiya na makapasok, pero naghinala raw ang mga ito kaya winarningan si Mariel.

    Ayaw naman nang palakihin ng boyfriend ni Mariel na si Zanjoe Marudo ang isyu.

    Pinagsabihan na lang niya ang GF na mag-ingat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here