Mga pinakasikat na singer-performers at recording artists ng Philippine music industry ang magpapaningningan sa gabi ng 1st Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Sina Jolina Magdangal, Rachel Ann Go, at Ms. Regine Velasquez ay pa-bonggahan sa tig-isang special number. Kabilang din ang tatlo sa mga nominado.
Para sa song of the year, nominado si Jolina Magdangal sa awitin niyang “Hanggang Kailan”, komposisyon ni Agatha Obar (GMA Music) mula sa album na “Jolina Destiny”
Pareho namang nominado sa kategoryang Female Recording Artist of the Year sina Rachelle Ann Go (“Falling In Love”/Viva Records) at Regine Velasquez (“Low Key”/Universal Records).
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang maghahandog ng special finale number, na tiyak pakaaabangan ng manonood.
May mga special number din ang iba pang sikat na singer-performers, tulad nina Richard Poon, Jay-R, Bayang Barrios, Allan K, Faith Cuneta, Eva Castillo, Jan Nieto, Chris Cayzer, Gloc 9, Laarni Lozada, Gretchen Espina, Geoff Taylor, Francheska Farr, Mocha Girls, Sex Bomb Dancers, at top balladeer Jed Madela.
Gaganapin ang 1st Star Awards for Music ngayong Oktubre 29, 2009, sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City, ganap na ika-5 ng hapon. Ito ang unang taon ng pamamahagi ng parangal pang-musika ng PMPC.
Katuwang ng club sa proyekto ang iba pang grupo ng mga mamamahayag, tulad ng National Press Club (NPC) at ang AFIMA (Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag). Ang dalawang samahan ang tumatayong prodyuser ng gaganaping awards presentation.