Heart Evangelista naniniwalang deserving siyang maging Best Actress sa FAMAS

    322
    0
    SHARE
    Naglulundag pala sa tuwa si Heart nang mabatid niyang nanaalo siyang Best Actress sa FAMAS.

    Tulog na siya nang matanggap ang balita through her publicist Jun Lalin, pero ginising siya ng kanyang mga magulang to tell her the good news. “Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Na-excite ako na naglulundag dahil nga importante sa akin ito,” lahad pa ni Heart.

    Walang siyang pakialam kahit pa sinasabi nilang sa FAMAS lang naman siya nanalo ng best actress.

    Wala naman daw siyang alam doon kaya naniniwala siyang legitimate ang hawak niyang best actress trophy na hindi niya personal na natanggap dahil hindi siya dumalo sa awards night noong nakaraang Linggo ng gabi sa PAGCOR Grand Theater sa Parañaque.

    “Gusto ko sanang mag-attend noon. Parang gusto ko lang magsuot ng gown, alam mo yun. Pero sabi kasi sa akin, may taping ako the following day kaya kailangan kong matulog ng maaga. So natulog ako,” kuwento niya.   

    The following day Monday, meron na silang taping ng Full House sa Pampanga kaya doon na dinala ng manager niyang si tita Annabelle Rama ang kanyang best actress trophy na kauna-unahan niyang acting award para sa indie film na Ay Ayeng na almost two years ago na niyang ginawa, noong mga panahong walang direksiyon ang career niya.

    When it rains it really pours.

    Imagine bukod sa nasabing award, nagsimula na rin siyang mag-shooting ng Mano Po 6 kasama si Megastar Sharon Cuneta.

    Nagkaroon na sila ng eksena ni Dennis Trillo. At first eksena nila ng megastar, confrontation scene agad.

    May mga eksena silang kukunan sa Beijing, China.

    Lalagariin ni Heart ang shooting ng Mano Po 6 at taping ng Full House nila ni Richard Gutierrez sa GMA 7.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here