Joy Cancio pabor sa pagpapakasal ni Jopay Paguia kay Joshua Zamora

    472
    0
    SHARE
    Magsisimula na’ng Shuper Sweet Lover, bagong istorya ng Daisy Siyete kapalit ng Cha Cha Muchacha. Ito ay mula sa produksyon ni Joy Cancio who after several seasons ng Daisy Siyete ay heto pa rin at patuloy sa pagbigay sa publiko ng mga makabuluhang istorya ng buhay.

    The last time we talked to Joy, naisalaysay niya sa amin ang makulay niyang buhay kaya napahanga kami sa katatagan ng babaing ito na nangarap at nakarating sa nais niyang paroonan.

    Simple lang naman ang mga pangarap niya noon. Una, gusto niyang maging dancer at nagtagumpay naman siya. Pagkatapos noon ay matiwasay na buhay naman na nakamit niya. Ngayon nga, kaparte ng kanyang advocacy ang pagtulong sa mga maliit at obscure dancer upang gaya niya ay makarating sa itaas. At hindi nga kaila kung paano niya isinilang ang Sex Bomb Dancers na halos lahat ng miyembro ay sikat na. Kailangan pa ba naming isa-isahin kung dino-sino sila?

    Anyway, si Jopay Paguia ay isa lang sa mga maagang pinasikat ng ngayon ay maituturing ng star builder na si Joy Cancio. From a mere ordinary dancer, Jooay together with other girls rose to the top at nagging inspirasyon ang buhay.

    Sa ngayon, pinag-uusapan ang lovelife si Jopay dahil umamin na siya inalok ng kasal at ito ay labis niyang ikinatuwa. “It came to me as a surprise. Alam mo naman kaming mga babae, mahilig sa sorpresa,” sabi pa ni Jopay.

    It turned out, annulled na ang kasal ni Joshua sa babaing unang pinakasalan kaya ngayon, kahit anong oras, puwede na sila ni Jopay. Nakatakda na nga sila’t isa sa mga maligaya sa magandang panayayari ay si Joy Cancio who announced publicly kung gaano siya kasaya dahil sa wakas, natagpuan na ni Jopay ang kanyang prince charming matapos na mag-ala-Cinderalla sa pinagdaanang buhay.

    “I can be only happy for Jopay at sa iba pang Sexbomb na nakatagpo ng kaligayahan sa pag-ibig. Suwerte siya kay Joshua at alam kong mabubuhay silang maligaya. Sino ba naman ako para tumutol. Hangad ko ang kaligayahan nila. Ang gusto ko talaga, kung ano ‘yung kinahinatnan kong katahimikan ng buhay ay siya rin nilang makamtan.”

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here