Wala nang atrasan pa para kay Toni Gonzaga ‘yung pag-ibig niya kay direk Paul Soriano. Kitang-kita na nagmamahalan ang dalawa dahil day one pa lang ng relasyon, talgang di na nila ito inilihim pa sa media. Kumbaga, ito ay isang pag-ibig na hindi showbiz kahit nagkataong parehong nasa mainstream ang dalawang magsing-irog.
Noon pa man, kapuwa nagsasalita na’ng dalawa na tunay na pag-big ang sa kanila na wala na talagang makapipigil pa.
Kaya ngayon talaga, bongga ‘yung dating ng balak nilang paglagay sa tahimik.
Sa presscon ng gagawing movie ni Toni na si direk Paul ang magdidirek, nagsalita ang dalawa sa balak nilang paglagay sa tahimik. “Diyan talaga kami papunta. pinag-uusapan na namin at may mga plano na kami. pero, marami pang opportunities sa akin, kaya marriage can wait muna. Ayaw ko namang aksayahin ang mga dumarating na pagkakataon. Pero sinisiguro ko, diyan talaga papunta ‘yan, in the long run, pakakasal kami,” sabi pa ni Toni nang walang gatol.
Si direk naman, umaaming may selos factor siya sa kasintahan. Na kahit na malinaw na sa kanyang trabaho lang ‘yung mga lalaking nali-link kay toni, still, hindi raw niya maiwasang may maramdamang selos. Pero hindi naman ganun kagrabe, kung minsan talaga, I asked her, bakit ganun, bakit ganyan, pero hanggang doon lang ‘yun,” malumanay na paliwanag pa ni direk Paul.
“I prepared him to understand me,” pagtatapat ni Toni. “Sa unang araw pa lang namin, nilinaw ko na sa kanya na ganyan nga at wala na siyang dapat pang ipagselos. Siya lang talaga at walang iba. Kung hindi niya maiintidihan ‘yun, siya rin, bahala na siya,” nagbibiro pang salita ni Toni Gonzaga.
So there!