Home Opinion ‘An able and competent leader’

‘An able and competent leader’

565
0
SHARE

TAMA si Vice Mayor Jimmy T. Lazatin
sa kanyang tinukoy na hindi ang ating
nasa gobyerno ang mga amo natin
kundi sila bale ang ating alipin

‘Yan ang walang gatol na naging pahayag
ng mapuring Bise sa harap ng lahat
ng mga dumalo, nang magbigay ‘Ulat
sa Bayan si EdSa,’ para sa kasiyudad.

Kung saan isa sa mga nagsalita
si VM, at inakong ang katulad nga
nila ang alipin, at ang taong madla
ang panginoon sa madaling salita.

Katotohanan ang kanyang pagkasabi
pagkat pinaganda lang sa ibang sabi,
ang ‘public servant’ na pagtawag parati
natin na rin, at sa kanilang sarili.

At ang kahulugan n’yan kung tutuusin,
akma sa tawag ni Vice Mayor Lazatin
sa sarili pagkat ang mga gampanin
n’yan ayon sa kanya tulad sa alipin.

Pagkat sila itong kwenta kumikilos
sa ikabubuti ng kanilang lungsod,
gaya ng kung paano maisa-ayos
ang kalagayan din ng kanilang sakop.

Ang pagka-iba lang sa tunay na buhay
ay di maralita o salat sa yaman
ang butihing pangalawang punongbayan,
kumpara sa kanyang pinagsisilbihan.

Pero sa kabila ng lahat ay aktibo
si VM Lazatin sa tungkulin nito,
kahit siya’y mayrung sariling negosyo
na kanya rin naman ding inaasikaso.

Ano’t pinili niyang siya’y manatili
na maging ‘alipin’ gayong sa sarili,
kahit di magpagod siya’y may pambili
ng lahat ng bagay kung ibigin pati?

Ang panahon niya ini-alay lubos
sa malinis at tapat na paglilingkod
sa kanyang pinaka-mamahal na lungsod
nang walang anumang bahid pag-iimbot.

Tunay na ang pagtalima sa ‘most humble’
at ‘noble calling’ ay dito nakatuon
ang bigat ng mga pasanin ng mayrung
malasakit sa kanyang bayan at nasyon.

Dapat mapagtanto ang kahalagaan
ng ating kung tawagin ay ‘public servants,’
na ayon kay VM ‘alipin’ din naman
para sa sariling kinatatayuhan.

Saksi itong inyong abang manunulat
kung gaano ka-’dedicate’ at kasipag
sa opisyal na gawain sa’ting siyudad
itong si Lazatin sa lahat ng oras.

Nakatrabaho ko sa ‘city hall’ noon
si Mayor Oca nang halos walong taon,
kaya aking masasabing hanggang ngayon
ang dating konsehal pinaka-’visible’

At tinitiyak nating may mararating
ang matapat na pagganap sa tunkulin
nang ngayon ay VM Jimmy T. Lazatin,
sakali’t susunod may ibang targetin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here