Star Cinema sumuko rin sa SM

    299
    0
    SHARE
    While nagpadala ng mga press releases ang Star Cinema sa mga reporter stating na fairness ang hinihingi nila kung kaya nagkaroon sila ng sigalot ng SM Cinemas. Una nang napabalitang maraming utang ang SM sa Star Cinema kung kaya ayaw muna nilang magpalabas ng peliklula sa SM hanggang ‘di nase-settle ang mga obligasyones sa kanila ng SM.

    Nagpadala na nga kahapon ng opisyal na pahayag ang corporate PR head ng ABS-CBN na si Bong Osorio kaugnay ng isyu sa pagitan ng film arm ng Kapamilya channel na Star Cinema at mall giant na SM.

    Pirmado ng managing director na si Malou Santos ang in-e-mail na statement, na nagsasabing: “Ang Star Cinema ay mayroong collection and computation issue sa SM.

    “Ang nais lang naman ng Star Cinema ay maayos na komputasyon, pantay na hatian at maayos na partnership. Sa madaling sabi — hating kapatid. “Umaasa kami na maaayos ang sitwasyong ito sa lalong madaling panahon.

    “Aming nilalayon ang isang win-win situation na magbibigay ng karampatang benipisyo sa Star Cinema at sa aming mga partner tulad ng SM.”

    Matatandaang sumingaw ang problemang ito nang idaos ng Star Cinema ang premiere showing ng And I Love You So nina Sam Milby, Bea Alonzo at Derek Ramsay sa Trinoma at hindi naipalabas ang pelikulang produced by Star Cinema sa SM theaters nationwide.  
      

    Pero sa presscon ng Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, first solo-starrer ni Eugene Domingo, ibinalita ng mga producer na sina Piolo Pascual, Joyce Bernal (na siya ring direktor ng pelikula) at Erick Raymundo na tapos na ang problema nila sa gusot na namamagitan ngayon sa Star Cinema at SM Cinemas.

    Hindi na kasi ang Star Cinema ang magre-release ng pelikula kundi ang Solar Films na, kaya maipalalabas na ito sa lahat ng SM theaters starting September 2.

    Pero, katulong pa rin daw ang Star Cinema when it comes to promo and marketing.

    Ayon kay Piolo, nakipag-usap siya sa Star Cinema managing director na si Malou Santos at sa nasabing executive na rin nanggaling na para hindi siya maipit sa gulo, mas mabuting iba na ang mag-release ng movie.

    Si Malou rin daw ang tumulong para sa Solar Films kaya ngayon, tapos na ang problema ng Spring Films.

    Umaasa pa rin si Piolo na hindi magtatagal at magkakaayos din ang dalawang malalaking kumpanya.

    “Maaayos din nila siguro ’yan because they need each other. Star Cinema needs SM Cinemas and SM needs Star Cinema. So, alam ko, and I’m really hoping na mareresolbahan din ang problema nila,” sabi ni Piolo.

    Malianw, di po ba, nilunok ng Star Cinema ang pride nila at sila pa mismo ang gumawa ng paraan para nga maipalabas sa SM ang pelikula ni Piolo Pascual.

    Sa nangyari, may respeto pa kaya’ng SM management sa Star Cinema?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here