Melissa Ricks, Sarah Geronimo nag-aagawan kay Rayver Cruz

    399
    0
    SHARE
    Sobrang controversial itong si Melissa Ricks. Involved ang buhay niya ngayon sa dalawang lalaki at kung hindi siya magdadahan-dahan, baka maakusahan siyang playgirl. Hindi pa nga niya naayos yung imbentong tsismis sa kanila ni Jake Cuenca, heto at may isyung sinusulot niya si Rayver kay Sarah G.

    Ito ang lumabas na isyu kailan lang na agad namang nilinaw ni Melissa nu’ng makausap siya ng press. 

    “Magkakasama lang talaga kami nina Jake, along with Rayver (Cruz), Shaina (Magdayao), Ate Kitkat. Nandoon din sina Kim (Chui) at Gerald (Anderson). Si Gerald, kaibigan si Victor (Basa),  si Victor, kaibigan si Jay-R, so nagkasundo kami to go to  West Gate,” depensa ni Melissa sa interview.

    Dagdag pa ng aktres, magkakasama raw sila sa iisang bus at sabay-sabay silang namimili ng gamit.

    Hindi na nagtataka umano si Melissa kung may ganito mga balitang lumalabas.

    “Eh, may sumagi lang sa balikat ko, nali-link na agad sa akin, di ba?”

    So, wala pang pormal na ligawan sa pagitan nila ni Jake?

    “Ayy, wala po talaga. Magkaibigan kami ni Jake and he is a nice person.”

    Eh, si Rayver?

    Sinasabing siya talaga ang pinopormahan ni Rayver at hindi si Sarah Geronimo.

    Ito umano ang dahilan kung bakit nagagalit daw sa kanya ang fans ni Sarah?

    Mabuti na lang at hindi siya inaaway ng fans ni Sarah, huh.

    “Kaibigan ko lang din si Rayver, hindi totoong ako ang nililigawan niya. Hindi rin totoo ‘yung sinasabi nilang pumupunta si Rayver sa bahay namin.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here