Nabuking na scripted pala yung maanghang na komento ni Carmina Villaroel sa The Buzz noong Linggo. Na nagpapasalamt nga siya at nakatagpo siya ng tunay na lalaking magmamahal sa kanya.
Very obvious na si Rustom Padilla na ang tinutukoy nilang mag-asawa at nagtagumpay sila dahil kinagat ito ng mga kagaya kong gullible writers.
Sabi nga namin, lumabas ngayon na scripted lang yung pagsasalita nila dahil si Zoren pala’ng sumulat at nagdirek ng isang indie movie na base sa buhay ni Bebe Gandanghari. Parte rin ng ‘paggamit’ ng mag-asawa kay Bebe yung pambubuking na bakla nga si rustom kaya hiniwalayan ni Carmina. Sabi ni Zoren sa insidenteng yun daw siya pumasok sa buhay ni Carmina at nabuntisan nga niya ito ng kambal.
O di ba, publicity slant yun, malinaw na malinaw.
At heto pa, sa presscon naman ng isang GMA7 teleserye, nagbuking din si Zoren na naging sila pala ni Ruffa noong araw. Actuallay limot na ito pero ayan at ginagamit nga ni Zoren just to promote himself. Kung hindi panggagamit to the nth degree ito, hindi na naming alam kung ano ito.
Sa presscon ng All My Life, kung saan tampok ang pinakamainit na loveteam ngayon na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica at lalabas na daddy ni Kris si Zoren, ay ’di ito nakatakas sa pangungulit ng press.
Unang tanong ay kung dinanas din ba niya noon ang pinagdaanan ngayon ni John Lloyd Cruz nang ma-link kay Ruffa Gutierrez.
“Balewala ‘yung dinanas ni John Lloyd kay Tita Annabelle sa dinanas ko noong pinormahan ko si Ruffa. Grabe! Pero talagang seryoso ako kay Ruffa kaya kahit galit at hindi pabor si Tita ay pumupunta ako sa bahay nila at pinapasok naman ako ni Tita Annabelle,” bungad ni Zoren.
“Minmashl ko si Ruffa,’
Magmula nang maging iba na ang leading man sa pelikula at sumali pa siya sa beauty contest at naging 2nd Princess sa Miss World ay naging madalang na ang pagkikita namin hanggang sa mawala nang tuluyan,” balik-tanaw Zoren.
Paano naman sila nagkakilala at nagkatuluyan ni Carmina Villaroel?
“Nagsimula ang lahat nang maghiwalay na sina Carmina at Rustom. Naging magkapitbahay kami sa Pasig at doon ay lagi kaming naglalaro ng badminton. Tapos nauwi nga sa pagmamahalan.
“Kasal kami bago nabuo ang kambal. Nagpasya kaming sa abroad na siya magsisilang para makaiwas sa intriga at hindi naman kami nagkamali sa aming desisyon dahil naging masaya ang pagsasama namin hanggang sa ngayon.
“Sa maniwala kayo o hindi, mula nang magsama kami ni Carmina, kahit minsan ay hindi kami nag-away or nagkaroon ng tampuhan.
“Kapag galit or may sumpong kasi si Carmina ay hindi ko ito sinasalubong. Kapag ako naman ang wala sa mood ay nagpaparaya naman siya. Ganoon lang ang sitwasyon namin,” mahabang pahayag pa ni Zoren.
So there!