Ruffa Gutierrez ayaw nang patulan ang katarayan ni Kris Aquino

    345
    0
    SHARE
    Lagi na lang natatanong si Ruffa G sa mga di umano’y pagtataray sa kanya ni Kris Aquino sa The Buzz.  

    Kung minsan nga raw, may kasama pang pambabara ang mga ginagawa ng taklesang si Kris Aquino. 

    Apektado na ang mga manonood sa paulit-ulit na pagtataray ni Kris kay Ruffa.

    Tulad ng lagi raw  tini-tingnan si Ruffa, from head to foot, ni Kris.

    At may tono ng pagtataray lagi ang  komento ni Kris sa mga sinasabi ni Ruffa as co-host.

    “Well, kung meron namang ibang nakakapansin nu’n, siguro iba-iba lang ng interpretation ng mga tao. For me kasi, sanay na ako sa matataray na tao.  Ma-taray ang Mommy ko, sina Tita Lolit (Solis), Gretchen (Barretto) na friends  ko ay ganu’n din.    

    “Sa pag-uusap-usap namin, kadalasan ay may tarayan talaga. May asaran at piku-nan. Pero para sa akin,  wala ‘yun.  And I don’t think naman, Kris intentionally does it,” paliwanag ni Ruffa na idinedepensa pa si Kris.

    Hindi rin napi-feel ni Ruffa na naiirita siya o nao-offend ‘pag tinitingnan siya ni Kris mula ulo, hanggang paa. “Hindi ko rin napapansin,” aniya pa.

    Naging aware na lang si Ruffa nang sabihan siyang sa kanyang mga alahas nakatinging ma-buti ni Kristeta ‘pag on cam sila sa The Buzz.

    “Alam mo, ever since  nine years old pa lang ako,  ganyan na talaga si Kris.”

    Ang mga ganitong  kilos ni Kris ay natural na lang daw kay Ruffa.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here