Jennylyn gumigimik na naman

    435
    0
    SHARE
    Napahalakhak lang ako nang mabasa yung balitang di sinipot ni Jennylyn Mercado ang kanyang sariling press conference at pag-guest sa isang talk show para i-promote ang concert niya ngayong May 14.

    At itong manager niyang si Becky Aguila ay very apologetic dahil nga raw kesyo-kesyo.

    Utot nilang pareho! Paglalangan nila’ng lelang nila! Gimik ‘yung di pagsipot ni Jennylyn at nagbabaka-sakaling mapag-usapan siya.

    Si Jennylyn? At this point in her career, di sisipot sa sariling press conference gayung gutom siya sa publisidad?

    Anyway, yung balita ngayon tungkol sa kanya ay sobrang mabaho, kasimbaho ng kanyang image na dahil sa ginawa niya, mas lalo pang babaho ang image niya.

    At yung sinasabi ni Becky na kesyo kesyo na may dahilan na di raw niya alam ay ganyan at ganito. Sabi naman ng PR ng concert, baka raw sobrang stressed out kaya di nakayang humarap sa press.

    Si Jennylyn pa, kung anik anik na’ng pinagdaanan niya ang mai-stress out? Nakaya na nga niyang lahat, tapos mai-stressed out pa siya?

    Baka naman kaya hindi alam ng mga taong ito na nagbu-boomerang kay Jennylyn ang ibibinibigay nilang rason. Na kung true nga  ito, aba, sobrang may pagka-psychological na ang pinaggagawa ni Jennylyn at talagang kailangan na niya ng tulong. Aba, mas mabuti siguro, kumunsulta sa isang psychiatrist ang Jennylyn Mercado na yan dahil nga hindi naman makatwiran yung pinaggagawa niya.

    Nope, we are not saying na nababaliw na si Jennylyn. Ang sa amin lang, may pagka-unstable ang pag-iisip niya base sa mga pinagggagawa niya kaya mabuti siguro, magpatingin siya.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here