Angelica Panganiban, Derek Ramsay ikinasal na sa banig

    469
    0
    SHARE
    Definitely, wala pang kasalang magaganap kina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Both are one in saying wala sa isip nila’ng kasal. Lalo na si Derek na umaming wala sa hinagap niyang pakakasalan na niya si Angelica. Although, mahal daw niya ito hindi naman pa siya naniniwala sa kasal.

    Okey lang naman kay Angelica dahil siya yata yung babaing hindi rin naniniwala sa kasal. Sa ngayon, sapat na sa dalawa’ng pagmamahalan at yun na lang muna ngayon. Kumbaga, ikinasal na sila sa banig dahil pareho naman silang umaaming may nangyayari ng sexual na bagay sa kanilang dalawa.

    And did you know na wala kay Angel yung selos selos.

    Yes, cool na cool lang si Angelica Panganiban tungkol sa love affair nila ni Derek Ramsay. Ayon sa kanya, kampante siyang mahal siya ni Derek kaya wala na siyang dapat pang pagselosan. After two and a half years of relationship, alam niyang sila na ni Derek. They’ve gone through a lot of things at dito na nga tumibay yung pundasyon ng pag-ibig nila.

    Alam din daw ng dalaga na marami ang nagnanasa sa kanyang only love pero alam din niyang hindi sila papatulan ni Derek.

    Sana lang, this relationship ends in marriage para hindi naman sayang ang panahong iniuukol sa isa’t isa.

    Sa showbiz kasi o kahit sa tunay na buhay man, dami na naming nakitang great love affair na very passionate na sa bandang huli, sa wala rin napunta.

    ‘Wag naman sanang magkaganyan ang love story nina Angelica P at Derek Ramsay.

    ‘Wag na ‘wag naman po!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here