Ang galing-galing talaga ni Ara Mina sa Dapat Ka Bang Mahalin. Napakanatural ng acting niya bilang isang loose woman na lover ni Aljur Abrenica. Parang sa tingin namin, nahahawahan niya si Aljur, kasi mahusay din ang ipinakita ng baguhang actor sa naturang telerseye.
May kuwento nga sa amin si Dennis Evangelista, yung line producer ng Marino where Ara Mina plays equal role kay Allen Dizon. Impressed din daw sila sa ipinakitang mahusay na akting ni Ara Mina in the movie. Halos tapos na yung movie at sabi ni Dennis, when they will sell the movie, isa si Ara Mina sa ibebenta nila sa pelikula. “Talagang parang acting ensemble yung ipinakita ng mga stars na nanguna si Ara Mina sa mga magagaling ang ipinakitang akting. Pati nga si Allen Dizon, inspired dahil nga nahihiya siyang di matapatan ang akting ni Ara,”sabi pa ni Dennis.
Ganuon din daw yung iba pang cast ng pelikulang Marino na sina Krista Ranilio who acted as if she is a whore na siya niyang character sa movie. “Napagkamalan talaga siyang puta sa Thailand nang mag-shooting kami roon,” patuloy na kuwento pa ni Dennis.
Balik kay Ara Mina, naging acting coach pala siya ni Aljur Abrenica sa mga love scenes nila sa Dapat Ka Bang Mahalin.
Nakunan na rin daw ang love scene nila ng co-star niya sa teleserye na si Aljur.
“Okay naman. Maganda, very artistic yung pagkakagawa. Super kiss to the max, pero siyempre yung ia-allow lang ng MTRCB sa pang-hapon, ‘no!”
Anong klaseng halikan ito?
“Torrid!”
Bakit may ganung eksena?
“Barkada kami, pero lovers kami. Ako yung Chanda Romero. Di ba, remake ng Sharon-Gabby movie? Ayun! Nung una, sabi ko [kay Aljur] ‘Iga-guide kita.’ Kasi sabi ko, ‘Hawakan mo lang ako.’ Baka raw kasi mabastusan ako sa kanya. Sabi ko, ’No. That’s okay. It’s work.’ Tapos sabi ko, ‘Dapat work mo rito agresibo ka, ‘no. Paano maniniwala ang audience na agresibo ka,’ sabi kong ganun. Baka sabihin ng audience, ‘Ay, hindi pa hinog si Aljur sa love scene.’ O, e, di tumodo na siya noon!” natatawang kuwento ni Ara.
Siya naman ang nagulat sa pagiging agresibo ni Aljur?
“Oo. Sabi ko, ‘Wow!’ Tapos, ano, wala. Nakakatuwa lang siya. Para siyang naninigas. I mean, yung pag kabado ka, naano siya, natutulala. Kaya sabi ko, ‘Alam mo, halikan mo ako dito, halikan mo ako diyan.’ ‘Hindi, maganda, maganda,’ sabi ko sa kanya. Naging acting coach niya ako! E, siyempre naman, hindi ko na mabilang yung dami ng love scene na ginawa ko!” natatawang sabi ni Ara.