Piolo-KC team up walang init ang dating

    418
    0
    SHARE
    Wala nang tigil ang mga katsang tungkol sa naipintong team up nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

    Well, sigurado na yung teleserye ng dalawa pero di na namin pinagkaabalahang kunin kung ano ang titulo nito. Suffice to say na pambato raw ito ng ABS-CBN nitong mga darating na araw.

    Pero kami rito, we will dare say na panis ang timpla ng dalawa. From a successful stint ni KC bilang katambal si Richard Gutierrez, tila mawawalan lang ito ng saysay in teaming up with Piolo.

    Why?

    Wala namang chemistry ang dalawa. In the same manner na walang chemistry sina Angel Locsin at Piolo at nakita natin how their projects failed miserably. Yung Lobo nila walang kadating-dating at yung Love Me Again, alam naman nating hindi kinagat ng publiko.

    And now here comes ito ngKC-Piolo starrer.

    The truth is, at dapat tanggapin ito ng kampo ni Piolo. That although, he is considered a hunk, wala siyang natitira pang excitement to titillate the audience. Pinaglipasan na kumbaga. Hindi pa siya laos at puwede pang masagip ang kanyang aandap-andap na career. But not with KC Concepcion na sa ngayon, wala naming latoy ang dating ng kanilang pagtatambalan. Bakit nga naman dapat ma-excite ang sinoman sa team up na ito?

    Para tuloy naniniwala na kaming without Judy Ann Santos, Piolo is reduced to a failed actor na di tatakal ng salapi sa takilya man o sa tv series. Na talagang nang panahong sila pa ni Judy Ann ang magka-klove team, nakinabang siya nang husto rito.

    Wala na kaming maraming sasabihin pa, excetp that Judy Ann made big waves without Piolo at hindi puwedeng mapasubaliang solo star si Judy Ann Santos.

    Going back to Piolo and KC’s team up, hindi talaga namin kinakikitaan ng excitement ito at kung di ito magtagumpay, we already said our piece.  Pero kung magtatagumpay naman sila taliwas sa aming opinion, we can still be happy for them. Aba, kung saan maligaya ang supporters nila, doon na rin kami.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here