Katrina Halili nagsisisi sa pag-aming nagkaroon nga sila ng sexual encounter ni Hayden Koh

    612
    0
    SHARE
    Idinaraan na lang sa mga ngiti ni Katrina Halili yung hanggang ngayon, ayaw pa siyang tantanan ni Vicki Belo. Lagi pa rin kasing nagpapa-interview ang huli, and as matter of fact, nililibot nito ang halos lahat ng istasyon para magbigay ng statement tungkol sa isyung malaon nang namayapa.

    Para lang mabigyang- hustisya ni Vicki Belo yung paglamon sa isinuka na niyang mga salita noon, ayan at pati nga si Rufa Mae, idinamay pa niya sa isyu

    ngayon yung sinasabing sex video naman ang inilabas kuning kunong ni Vicki. Pnalabas niyang totoo ngang may kontrobersyal video at ito raw talaga’ng dahilan kung bakit niya iniwan si Hayden Koh.

    Iniwan niya si Hayden Koh? Pakiulit nga?

    Tila nga kasi atat na atat si Vicki na sirain sa publiko si Katrina Halili. At yung iba pang babaing na-link sa iniibig niyang si Hayden. Kumbaga, dahil sa ginawang pagtataksil ni Hayden sa kanya, ayan at ang mga babae nga ng dyowang binalikan ang ayaw tantanan.

    Kung tutuusin, tapos na lahat ang kontrobersya, pinakinabangan na nila ng labis ng kanyang inamorata pero wala pa rin siyang humpay. Ito aydahil nagsisilbing babala ang ginawa niya para kay Hayden o sa maaring mga babaing ma-link pa sa dyowa. Na ganito ang gagawin niya’t di siya titigl hanggang di maging kanyang-kanya lang si Hayden.

    Sa kuwento ni Vicki, lumabas na siya talaga ang atat na atat kay Hayden. Sobrang guwapo raw at talino nito to the point na na ginamit pa niya’ng anak para mapalapit kay Hayden. In the end, nang hindi niya mapapayag si Cristelle, siya na mismo ang lumakad to seduce Hayden and in the end naging silang dalawa na.

    Pera din naman ang dahilan kung bakit siya pinatulan ni Hayden. Hindi ba, si Hayden ayon sa kuwento niya ay isang medical intern at kung magwa-one plus one lang tayo, si Vicki ang naglagay sa posisyon kay Hayden upang maging surgeon sa kanyang mga Belo Clinic.

    Sabi rin ni Vicki, she provided Hayden with a condo unit at doon daw sila nagtatagpo. Binigyan din niya ito ng mamahaling sasakyan at alam naman natin kung magkano ang isang Porsche.

    Now, kung gusting palabasin ni Vicki Belo na ganoon kaatat sa kanya si Hayden, wala pong maniniwala. Siya talaga’ng atat kay Hayden and that’s that.

    At yung pag-iingay niya sa mga naging babae ni Hayden, kasama na sina Katrina at Rufa Mae, isang sampal yun sa kanya because this goes to prove na naghahanap ng ibang putahe si Hayden. Masdan nating lahat, puro mga seksi at mga sariwang babae ang mga artistang na-link kay Hayden.

    Malinaw, hindi po ba, maraming kakulangan sa kagandahang panglabas kaya pumapatol sa iba si Hayden.

    Alam ni Vicki yan at alam din yan ng lahat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here