Selina Sevilla, nagbabalik sa eksena

    405
    0
    SHARE
    We can’t help but feel pity for Ms. Selina Sevilla na minsan na naming naging kaibigan nang kanyang kainitan bilang singer.

    Si Selina Sevilla po ang kumanta ng hit song noon na Nilunok Kong Lahat. For a time, ang awaiting ito ni Selina ang naging anthem ng mga mahilig sa mga videoke. Kaya nga noon, saan man pumunta si Selina, lagi siyang binibiro ng mga tao tungkol sa kanta niyang ito. At the height of her career, never na lumobo ang ulo ni Selina. Pansin namin noon na hindi talaga siya apektado ng kanyang kasikatan to the point that she was just being regular in her attitude. Siya pa rin yung dating Selina na feel na feel kapag may manliligaw siya. Ang ending nga, mas pinili niayngamgingb aliw sa pag-ibig kesa i-maintain ang kanyang stature bilang top caliber singer. 

    “Nag-asawa po ako, nagkaroon ng isang anak pero sa kalagitnaan, naiwan akong amg-isa dahil hindi po ako sinuwerte sa pag-ibig,” kuwento pa ni Selina Sevilla.

    Nagkaroon pala siya ng anak sa lalaking inibig niya. Yung bata ay naggagamot ngayon dahil sa isang karamdamang dinadala nito.  “Kaya nga po  sana tulungan ninyo ako, para man lang sa gamut ng anak ko,” pakiusap pa sa amin ni Selina.

    Hindi naman puwewdeng sabihing naghihirap si Selina. De kotse pa rin siya at nakatira pa naman sa New Manila. Meron din siyang spa at tahanan sa Baliwag, Bulacan. “Kung nagpabaya po ako, kung hindi ako nag-impok at nagnegosyo, baka po naghihirap na ako ngayon,” dugtong na kuwento pa niya.

    Sa himig ni Selina, meron pa rin siyang problema sa pananalapi bagamat wala naman siya sa puntong talagang namumulubi na siya. Ang punto niya, mahirap ang buhay at talagang hindi naman nakasasapat yung kita niya sa kanyang spa. Nalugi ngaraw siyang lagpass kalahating milyon sa una niyang itinayong spa sa Malolos, Bulacan. Kaya raw kinakailangan niyang magdoble-oras para nga maipagmot niya nang todo ang anak na aniya ay cute na cute. Ipinakita nga niya sa amin ang litrato ng bata at talagang di mo iisiping meron itong sakit. Anyway, nagka-comeback si Selina. Wala pa rin siyang kupas at talagang sexy pa rin. “Kaya lang, di po puwedeng todo pa-sexy, may edad na po ako, parang hindi na bagay, siguro kahit mother roles okey na ‘ko, basta’ng mahalaga, mabigayn ako ng trabaho,” malungkot salita pa nito.

    Just ot prove na sobrang galing pa rin si Selina,we invited her to perform sa pista sa Lourdes, Candaba, Pampanga noong isang araw.  Together with Remate editor George Vail Kabristante, Ivy Nograles, Tita Swarding, at siyempre, kami, nakatulong naming siyang mag-judge sa isang amateur singing contest tendered by Barangay Captain Nestor Pelayo. At siyemnpre, nag-perform si Selina much to the delight of the spectators and has proven that she is still worth it sa anumang show na kukunin siya. Ready na talaga siya for booking at sana di naman siya pagkaitan ng mga promoters at casting directors na mabigyan siya ng isa pang pagkakataon.

    Welcome back, Selina Sevilla!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here