Nagbigti, naglaslas o drug overdose???
    Maraming misteryo sa pagkamatay ni Marky Cielo

    2801
    0
    SHARE
    By the time you are reading this, nagsali-saliwa na ‘yung mga usapin tungkol sa kanyang kamatayan. Nauna na kasing parang unoficially, bangungot  nga ang ikinamatay ng young Starstruck actor. Ayon sa kanyang ina, ginising niya’ng kanyang anak pero hindi na ito nagising at DOA na nang makarating sa ospital.

    Hanggang ngayon kasi, wala pang official statement tungkol sa kamatayan ni Marky na “tila yata ayaw na nilang mag-isyu,” …ayon sa isang sikat na kolumnista.

    Nabasa naman namin sa kolum ng isang GMA insider na nakapagtataka raw kung bakit umabot hanggang baba ni Marky yung takip sa kanyang leeg.  “Sinadya nila, may itinatago sila,” kuwento pa nito.

    So ‘yung bangungot ek ay halos hindi na pinaniniwalaan ng mga showbiz kibitzers. Iba’t ibang version na ‘yung naririnig namin tungkol sa kanyang pagkamatay. One version has it na nagbigti raw si Marky, yung isa naman, drug overdose daw. May nagsasabi namang duguan ang kanyang mga kamay kaya ibig sabihin noon, naglaslas ng pulso.

    Sa ngayon halos iisa ang pinatutunguhan ng mga opinyon. Na sadyang nagpakamatay si Marky dahil sa matinding problema. Sa ngayon kasi, naglalabasan ang maraming speculation na kesyo ganoon at ganito. Na nagbigti nga raw si Marky dahil sa maraming problema. Kesyo nakabuntis daw ng isang showbiz girl si Marky at hindi niya nakayanan ang pressure nito so nagpakamatay na lang siya.

    May kumakalat naman sa internet na nagsabi raw si Marky sa maraming reporters at showbiz friends na malungkot ang Pasko niya. Na malapit na nga siyang mamatay at marami pang iba. Na meron daw naiwang suicide note at ito ay inatago ng kanyang ina.

    Heto pa, napakagtataka raw na maraming tao ang hindi welcome sa wake ni Marky at sa entrance pa lang ng subdivision, hindi na pinapasok ang mga tao. At bakit daw kailangang iuwi agad ang bangkay niya sa Mt. Province kung hindi nila gustong itago ang mga bagay na surrounding his death?

    O well, abangan na lang natin, tiyak na may mga detalyeng lalabas lalo na dun sa tsismis na kesyo may sex video scandal si Marky Cielo at ito ay ginamit na pang-harrass sa kanya ng lalaking ka-sex daw niya sa scandal. Scandalous talaga, pero huwag naman sana, respetohin naman nila ang namayapa at kung meron man silang nalalaman tungkol dito, ‘wag na lang nilang paabutin sa scandalous proportion para hindi naman masira’ng imahe ni Marky sa publiko.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here