Nagsampa nang kaso si Becky Aguila laban sa dating assistant na di umano’y nagnakaw ng pera sa kanyang mga artista. Partikular na nadenggoy daw ng assistant si Jennylyn Mercado na ipinangutang nito kay Valerie Concepcion nang hindi alam ni Jennylyn.
Ayaw aminin ng assistant na ginawa niya’ng bintang sa kanya at nagsalita na ito sa isang press statement. Na paninirang-puri raw ang ginagawa sa kanya. Sabi pa niya, sasagutin daw niya ang mga bintang sa tamang venue at ang korte ang ibig niyang sabihin. Under the supervision of a legal counsel, nagbabala ito na babalikan nga nito si Jennylyn at iba pang mga taong nag-aakusa ng mali sa kanya.
Pero naniniwala ba naman ang marami sa sinasabi ni Jennylyn na wala siyang alam sa utang niya kay Valerie Concepcion?
Kami rito, we believe na true na nangutang nga si Jennylyn kay Valerie. Imposible naman kasing basta na lang pautangin ni Valerie si Jennylyn nang wala siyang alam. Hindi ba natural lang na personal na magsasabi si Jennylyn bago siya pautangin ni Valerie.
Or else, tanga si Valerie na naglabas ng malaking pera kaya ayan, nadenggoy siya isang alalay lang. Anyway, pinaputok ng grupo ni Jennylyn ang usaping ito para pag-usapan ang kanyang One Night Only na kasali sa filmfest. Medyo laos na kasi si Jennylyn kaya importante talagang magkaroon ng eskandalo sa kanya para siya ay pag-usapan.
Pero maging matagumpay naman kaya ang strategy ni Jennylyn? Inuulit namin, matagal nang laos ang babaing inanakan ni Patrick Garcia at talagang halos imposible nang makabalik pa siya?
Hindi na niya makokopya si Valerie na tinanggap nang maluwalhati ng buong showbiz pagkatapos siyang maanakan sa pagkadalaga.
Si Valerie ‘yun at hindi na puwedeng gayahin ni Jennylyn Mercado.