Kuwentong multo

    994
    0
    SHARE

    Undas na naman, kaya uso na naman ang mga nakakatakot na kuwento ng multo.

    Aminin natin, marami sa atin ang takot sa multo, pero adik tayo sa mga kuwentong multo.

    O di ba? Kapag may nagkukwento tungkol sa multo, kinikilabutan pa tayo.

    Pero sige lang, nakikipagsiksikan pa tayo, makapakinig lang. Adik talaga.

    Maraming kuwento ng multo, kasi marami nagkukwento. Pero halos pare-pareho lang. 

    Naiiba lang ang lugar, oras, pati mga karakter.

    Laging laman ng kuwento ay multong nakalutang sa hangin.  Bakit di na sila natangay ng bagyo, o baka ipinadpad diyan sa inyo?

    Nakaputi daw at mahaba ang buhok.  White lady daw.  Bakit, wala bang multong nakapula o nakadilaw?  

    Katulad ng white lady na nakapula o kaya dilaw ang damit?

    Karaniwang laman din ng kuwento ay walang mukha ang multo.  Naku, di kaya natabunan lang make-up yun?

    May nagsasabi pa na nakakita daw sila ng multong mapula ang mga mata.  Baka nga adik.

    Sa mga kapre naman, laging may tabako at mahaba balahibo sa katawan.  Di na natutong mag-ahit.

    Yung mga duwende at tiyanak, laging maliit.  Dapat na silang kumain ng Star margarine, pampatangkad daw iyon.

    Heto pa.  May narinig na ba kayong kuwento ng multong mataba?  Wala pa, ano? Kung meron man, tiyak na madalang.

    Kasi mukhang on diet lagi ang mga multo. Puro sila payat.

    Kinakabahan din tayo kapag nakaamoyvsa gabi ng halimuyak ng dama de noche. Mas matakot kayo kapag sa araw kayo nakaamoy niyan.

    Dapat siguro, yung mga pabango at sabong panglaba ngayon ay lagyan ng amoy na dama de noche para masanay tayo sa amoy niyan at di matakot.

    Maraming nagsasabi na nakakita na sila ng multo, pero sa kuwento nila ay may narinig daw silang yabag, tapos nagkulubong ng kumot.

    Kung nakakulubong ng kumot, nakita ba nila yung multo?

    Kung minsan, naramdaman daw nila ang malamig na simoy ng hangin.

    Teka, di ba galing sa aircon yun.  O baka naman simoy ng hanging amihan, aba, magpapasko na di ba?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here