HAGONOY, Bulacan – Tumaas ang benta ng paputok sa Bulacan sa kauna-unahang pagkakataon mula noong taong 1999, ang tinatayang pinakamabentang taon para sa mga paputok.
Ngunit ilang manggagawa ng paputok ang nagsabing may posibilidad na malugi pa rin sila dahil hindi sila nakaubos ng produkto dahil sa naagawan sila sa benta ng mga ilegal at ipinuslit na paputok papasok sa bansa.
Kaugnay nito, tiniyak ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., (PPMDAI) na kanilang ipagpapatuloy ang kampanya sa pagtuturo sa tamang paggawa at paggamit ng paputok bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagbibigay proteksyon sa industriya at mga mamimili at gumagamit nito.
“It’s positive, mas malaki ang benta at kinita sa paputok sa pagsalubong sa 2011,” ani Celso Cruz, ang chairman emeritus ng PPMDAI ng makapanayam sa telepono noong Linggo, Enero 2.
Sinabi niya na ang benta ng paputok sa pagsalubong sa taong ito ay pinakamalakas sa loob ng 10 taon.
Binanggit niya na ang pinakamabentang taon para sa industriya ng paputok ay noong 1999 kung kailan ay sinalubong ng Bulacan at ng buong mundo ang bagong milenyo.
Ngunit bukod sa excitement sa pagsalubong sa bagong milenyo, sinabi ni Cruz na isa sa mga dahilan ng malakas na benta ng paputok noong 1999 ay ang epektibong pagpapatupad ng batas kung saan ang mga ilegal na paputok ay kinumpiska ng mga pulisya.
Dahil sa kalagayang ito, ilang araw pa bago salubungin ang bagong milenyo noong 1999 ay nagkaubusan na ng panindang paputok sa Bocaue.
Hinggil naman sa malakas na benta sa pagsalubong sa 2011, sinabi ni Cruz na namayani pa rin ang pagsunod ng mga tao sa taunang tradisyon.
Ito ay sa kabila ng kampanya ng ibat-ibang sector kabilang ang ilang ahensiya ng gobyerno laban sa paggamit ng paputok.
“It’s a tradition and it is now very clear that they cannot kill the tradition,” ani Cruz at iginiit na ilang oras bago salubungin ang 2011 ay kabi-kabila na ang nagpapaputok ay nagsisindi ng ibat-ibang klase ng pailaw.
Gayunpaman, kung ang pagbabatayan ay dami ng biniling paputok ng bawat pamilya, sinabi niya sa Mabuhay na mas maraming binili ang mga suki nila sa pagsalubong sa 2010.
“Family economics is one of the factors in the sales and there are those who purchased less pyrotechnics products, but the number of buyers has increased which resulted to positive sales,” paliwanag ni Cruz.
Kaugnay nito, sinabi ni Vimmie Erese, isang opisyal ng PPMDAI, na ilan sa kanilang kasapi ang bumaba ang benta.
“May mga di kumita at di nakaubos, meron pa ngang nagsasauli sa akin ng produkto,” ani Erese.
Binigyang diin niya na ang mababang benta ng paputok ay dahil na rin sa mga ilegal at naglalakihang paputok, bukod pa sa mga smuggled fireworks o mga produktong ipinuslit papasok sa bansa.
Ayon kay Erese, mayroon na lamang 60 lisensyadong manggagawa ng paputok sa bansa at karamihan sa mga ito, tulad niya ay kailangang harapin ang mga di nabentang paputok matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Inayunan ito ni Cruz at sinabing halos 500 pabrika ang gumawa ng illegal na paputok sa bansa at ang mga produkto nito ay nakalaban ng kanilang produkto sa bentahan, bukod pa ang smuggled fireworks.
“Kung yung lahat ng nabentang paputok ay doon binili sa licensed manufacturers, tiyak na super yaman na sila ngayon dahil sa taas ng benta,” ani Cruz.
Kinumpirma din ito ng iba pang kasapi ng PPMDAI na nagsabing tubong lugaw ang mga gumagawa ng ilegal na paputok.
Ito ay dahil sa maliban sa mga materyales ay wala na halos ginagastusan ang mga ito, samantalang ang mga kasapi ng PPMDAI ay gumagastos pa sa pagdalo sa mga pagsasanay o mga seminar workshop para matutunan ang mga bagong teknolohiya sa ligtas na paggawa, paghawak at packaging ng mga paputok.
“Kung walang illegal manufacturers o kung hinuli sila ng pulis, tiyak na mas maganda ang kita namin ngayon,” ani ng isang kasapi ng PPMDAI sa bayan ng Baliuag.
Gayunpaman, sinabi rin ng ilang pang kasapi PPMDAI na sa pagdaan ng mga taon ay dumarami din ang kanilang mga suking mamimili dahil sa patuloy na nagtitiwala ang mga ito sa kalidad ng kanilang produkto.
Para kay Cruz, ang pagtitiwalang ito ay isa sa epekto ng kanilang education campaign na patuloy na nagpapataas sa kakayahan ng mga manggagawa ng paputok sa bansa.
Sinabi niya na ipagpapatuloy nila ito at hindi sila titigil sa pagtuturo sa paggamit ng kahon para sa mga paputok tulad ng kwitis upang maging mas ligtas ito sa pagbibiyahe at paggamit.
“Kailangang nakalagay sa kahon ang kwitis, dahil in case na may magsiklab, hindi madadamay yung nasa kahon dahil protected yung mga mitsa,” ani Cruz.
Iginiit pa niya na patuloy din sila sa pakikipag-ugnayan sa Department of Science and Technology (DOST) at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa binuong kurso sa pagtuturo ng paggawa ng paputok o pyrotechnician course.
Sa kasalukuyan, buo na ang nasabing kurso, at ang kulang na lamang ay ang gusali at laboratoryo para sa nasabing kurso.