Mag-ingat sa pandemic

    368
    0
    SHARE
    Ikinabahala ng mundo ang sakit na Influenza A H1N1 na nagmula sa Mexico City noong ikatlong linggo ng Abril.

    Dahil agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa katulad ng Amerika, Europa at nakarating din sa Hongkong noong Mayo1.



    Batay sa pahayag ng mga dalubhasa, ang mabilis na pagkalat ng nasabing sakit ay dahil na rin sa ito ay nasa kalagayang pandemic o nalilipat sa tao mula sa kapwa tao.

    Ganito rin ang kalagayan ng pandemic na naitala noong 1918, 1950, 1957 at 1968.



    Ngunit ayon sa mga dalubhasa ng United Nations Children Emergency Fund (Unicef), ang mabilis na pagkalat ng pandemic virus ngayon ay may kaugnayan sa bilis ng pagbibiyahe gamit ang mga erolplano.

    Noong unang bahagi ng 1900s, barko lang halos ang gamit sa paglalakbay patungo sa ibang bansa, kaya mabagal ang pagkalat ng virus.



    Dahil dito, agad na nagsagawa ng inspeksyon sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) si Health Secretary Francisco Duque noong Miyerkoles, Abril 29 at ininspeksyon ang mga thermal scanners doon.

    Dapat lang, dahil kapag may nakalusot na may influenza A H1N1 sa DMIA, delikado ang Gitnang Luzon.



    Ang mga thermal scanners ay ginagamit upang masukat ang temperature o init ng katawan ng mga parating na pasahero, dahil ang lagnat ay isa sa palatandaan ng influenza A H1N1.
    Payuhan natin ang mga kaibigang nagbiyahe sa ibang bansa na kapag nakadama ng sintomas, magpatingin agad sa doktor.



    Batay naman sa tala na naipon ng Puntong Bulacan mula sa Unicief, Department o Health at Philippine Press Institute, mula 1580 ay umabot na sa 31 ang naitalang kaso ng pandemic sa mundo.

    Ang pinakamalalang kaso ng pandemic ay naitala noong 1918 na naging sanhi ang pagkamatay ng 30 hanggang sa 50 Milyong tao.



    Batay sa pa sa nasabing dokumento, ang pandemic noong 1918 ay sanhi ng Influenza A H1N1 virus.

    Ito ay halos katulad ng kumakalat na virus ngayon ngunit kasalukuyang pang tinutukoy ng mga dalubhasa ang isa pang sangkap nito.



    Batay sa mga pasusuri ng mga dalubhasa, apat ang pinagmulan ng kasalukuyang Influenza A H1N1 virus. Kabilang dito ang swine flu virus, bird flu, human flu at isa pang uri ng virus na hindi pa natutukoy.

    Ang iba pang pandemic na naitala sa mundo ay noong 1950 na sanhi din ng infuenza A H1N1 virus; 1957 pandemic na sanhi ng influenza A H2N2; at 1968 pandemic na sanhi ng influenza A H3N3.




    Payo ng mga doktor, panatilihin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran. Maghugas lagi ng kamay at linisin ang mga basura sa kapaligiran na maaring pamahayan ng virus.

    Ito ay isang disiplinang dapat nating isabuhay, banta man ng pandemic o wala.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here