Tsuper, militante nagprotesta laban E-jeep

    334
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ng kilos protesta ang Partidong Demokratikong Magaaral ng Bulacan State University, Motorcycle Rider Group of Malolos, Karatig jeepney drivers at mga estudyante para ipahayag ang kanilang pagtutol sa E-jeep at planong pag-phase out sa mga lumang pampasadang jeepney.

    Ayon kay Ernesto Perez, pangulo ng Malolos Karatig Federation, tutol sila sa isinusulong na phase out ng mga jeepney dahil hindi nila kakayanin ang paghuhulog dito na umaabot sa P8,000 kada buwan na tatagal ng pitong taon.

    Aabot aniya sa mahigit P2 milyon ang isang E-jeepney na kanilang babayaran kayat pahirap ito sa kanila.

    Hindi rin aniya dapat ipapasan sa publiko ang pagbabayad nito na ikakarga naman nila sa dagdag pasahe.

    Kaya sila nagsasagawa ng kilos protesta ay tiyak aniyang maapektuhan hindi lamang ang mga jeepney drivers kundi maging ang lahat ng sektor maging ang mga estudyante.

    Para sa kanila dapat na pagisipan munang mabuti ng gobyerno kung tama ba ang kanilang gagawin sa pagphase out ng mga pampasaherong jeepney.

    Ayon naman kay Adel Asuncion, hepe ng Malolos Traffic Management Office, bahagya lamang naapektuhan ang daloy ng transportasyon sa Malolos sa kabila ng kilos protesta.

    Bagamat bumulto ang mga pasahero ng umaga ng Lunes, may mga grupo pa rin aniya ng mga tsuper ang mga namasada at nakapagsakay ng mga commuters.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here