MARIVELES, Bataan — Pinapalawak ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), Department of Labor and Employment (DOLE), Public Employment Service Office (PESO), at iba pang ahensya ng pamahalaan ang kanilang koordinasyon upang mas maraming manggagawa at mag-aaral sa Freeport Area of Bataan (FAB) ang magkaroon ng access sa trabaho, livelihood assistance at skills development programs.
Tinalakay ng mga ahensya noong Setyembre 29, 2026 ang mga programa at serbisyo na maaaring makatulong sa employment at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga residente at manggagawa sa FAB.

Kabilang sa mga programang inilahad ang mga inisyatiba ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Special Program for the Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Tinalakay rin ang Kasambahay Program at mga usapin kaugnay ng PESO Congress bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang employment services at suporta sa mga manggagawa.

Layunin ng koordinasyon na mailapit sa komunidad ng FAB ang mga oportunidad sa trabaho, training at kabuhayan, habang pinaiigting ang pagtutulungan ng mga ahensya sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Sinabi ng mga katuwang na tanggapan na magpapatuloy ang kanilang koordinasyon upang matiyak ang mas malawak na access ng mga manggagawa, mag-aaral at iba pang miyembro ng komunidad sa mga programang pangkabuhayan at employment assistance.



