Pulis Bulacan binigyan ng parangal, pabuya

    315
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Binigyan ng pagkilala at pabuya ng pamahalaang panlalawigan ang Bulacan PNP dahil sa pagresolba sa dalawang krimen na naitala sa lalawigan.

    Pinangunahan ni Gov. Willy Sy-Alvarado ang pagbibigay ng parangal at pabuya sa Bulacan Intelligence Branch sa Camp Alejo Santos at Calumpit Municipal Police Station.

    Kinilala si Supt. Marlon Santos, deputy provincial police director at OIC ng Inteligence Branch ng Camp Alejo Santos, sa pagkakahuli ng kanyang hanay kay Ariel Orolpo alyas Ogie na dating miyembro ng CPP-NPA na pangunahing suspek sa pagpatay sa hepe ng baranggay tanod sa Pinaod, San Ildefonso at sa pagpatay din sa dating vice mayor ng Pandi.

    Pumangalawa naman rito ang Calumpit PNP sa pamamahala ni Supt. Angel Garcilliano sa pagka-resolba nito sa isang krimen patungkol sa pagkamatay ng isang barangay kagawad noong nakaraang Mayo.

    Nagpapasalamat ang kapulisan dahil nabigyan ng pagkilala ang kanilang ginawang pagsugpo ng krimen at malaki rin ang maitutulong nito upang mas tumaas ang morale ng kanilang hanay.

    Ilalaan daw ng mga ito ang pabuyang natanggap sa kanilang mga operasyon upang mas lalong mapag- ibayo pa nila ang kanilang pakikibaka sa kriminalidad sa nasasakupan.

    Ilalaan naman daw ang natanggap na pabuya sa mga equipment pang kontra sa krimen at ang matitira ay babahaginan ang mga tauhan.

    Ang pabuyang natanggap ay nagkakahalaga ng tig-P100,000.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here