40 kabataan huli sa drag racing

    696
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS CITY — Nasa 40 kabataan ang inaresto ng Bulacan PNP matapos maaktuhan ang mga ito ng drag racing sa Barangay Camchilihan, By-Pass Road ng Bustos, Bulacan.

    Ayon kay Supt. Ferdinand Divina, provincial director ng Bulacan PNP, matagal na nilang minamanmanan ang grupong ito ng mga kabataan na nagsasagawa ng drag racing na kung tawagin ay “Digmaan”.

    Kasama sa 40 ay ang 15 kabataan na pawang mga menor de edad na nasa kustodiya ngayon ng Bulacan PNP.

    Ipinakalat ng pulisya ang nasa 200 kapulisan para isagawa ang entrapment operation sa mga kabataang ito gamit ang mga Yamaha Mio motorcycles na nagmumula pa sa ibat-ibang bayan sa Bulacan.

    May mga kabataan pang nasugatan gaya ng gasgas sa katawan at bungi ng ngipin matapos magkaripasan o subukang magsitakas nang pag-aarestuhin ng PNP.

    Ayon kay Carl Matullo, residente ng Barangay Pitpitan sa bayan ng Bulakan, nayaya lamang siya ng mga kaibigan na manood ng Digmaan ngunit hindi daw sila kasama sa karera.

    Matagal na daw na nagaganap ang karerahang ito ng mga motorsiklo ng mga kabataan na ginagawa kapag madaling araw.

    Ang mga naaaresto ay kakasuhan ng paglabag sa alarm and scandal, Land Transportation Code, paglabag sa helmet code, at pagmamaneho ng nakainom.

    Ang mga kabataan ay nasa kustodiya ngayon ng Bulacan PNP habang ite-turn over naman sa DSWD.

    Kumpiskado rin ang mga motorsiklo ng mga lumahok at naaresto sa nasabing drag racing.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here