Mga akusado sa Anria rape-slay case binasahan na ng sakdal

    1687
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS –— Binasahan na ng sakdal ang mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalaga sa Calumpit, Bulacan. Ang pagbabasa ng sakdal ay sa Bulacan Regional Trial Court branch 82 laban sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 26-anyos na si Anria Galang Espiritu ng Iba O Este, Calumpit.

    Naghain ng not guilty plea ang mga suspek na sina Melvin Ulam, Ramil Diarca at Elmer Joson. Naghain din ng motion to post bail ang isa sa mga suspek na si Diarca. Wala kasing inerekomendang piyansa ang korte laban sa tatlo. Sila ngayon ay nakapiit sa Bulacan Provincial Jail.

    Itinakda ang pre-trial sa kaso sa darating na ika- 25 ng Setyembre 2014. Matatandaang si Espiritu ay natagpuang patay, walang saplot at may mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan sa liblib na lugar ng Sapang Bayan, Calumpit.

    Huling nakitang buhay si Espiritu na sumakay ng jeep papauwi sa kanilang tahanan mula sa gimikan sa isang restobar sa Malolos. Bukod sa tatlong mga akusado ay may isa pang suspek na minamanmanan ang pulisya sa kasong ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here