Home Headlines MVP TULONG KAPATID SA MGA KABALEN

MVP TULONG KAPATID SA MGA KABALEN

224
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Iba’t ibang ayuda ang hatid ng MVP Tulong Kapatid Relief Operations para sa mga kababayan sa lalawigan ng Pampanga nitong Sept. 4.

Personal na tinanggap ni Gov. Lilia “Nanay” Pineda ang mga donasyon mula kina PLDT-Smart Foundation Esther Santos, One Meralco Foundation president Jeffrey O. Tarayao, Metro Pacific Investments Foundation president Melody Del Rosario, at TV5 Alagang Kapatid Foundation executive director Menchie Silvestre.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na tulong ang 1,000 food packs mula sa One Meralco Foundation, 1,000 food packs mula sa PLDT-Smart Foundation, 500 food packs mula sa Alagang Kapatid Foundation, 150 food boxes para sa senior citizens at persons with disabilities mula sa Metro Pacific Investments Foundation, at purified drinking water mula sa Maynilad na sapat para sa 300 katao.

Hatid din ng SMART ang libreng load at data, gayundin ang charging station upang makatulong sa komunikasyon ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Bukod dito, namahagi rin ang grupo ng relief assistance sa mga bayan ng Apalit, Macabebe, at Mexico, bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.

Sa panahon ng pagsubok, tunay na ramdam ang diwa ng pagiging kapatid. Para po sa hindi pa nakakaalam, si MVP – Manny V. Pangilinan – ay tubong-Apalit, Pampanga. Pampanga PIO/Photos: Daniel Ombina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here