“MALAYO KAMI sa airport. Paano kami maaapektuhan ng reclamation?”
Simple lang ang paliwanag: ANG NMIA (New Manila International Airport) RECLAMATION AY NASA BAHAGI NG ISANG INTERCONNECTED DELTA.
Isipin ninyo ang buong delta na parang drainage system ng isang malaking bahay.
Mga kabundukan at watershed = gripo
Mga ilog at tributaries = mga tubo
Floodplains at wetlands = natural na imbakan/buffer
Delta at estuary = drainage outlet
Kapag bukas ang drain at tuloy-tuloy ang tubig mula sa gripo, may lugar itong lumabas.
Pero kung malakihan mong isasara, tatambakan o babaguhin ang drainage outlet, habang patuloy namang dumarating ang tubig— SAAN PUPUNTA ANG TUBIG?
Hindi nawawala ang tubig dahil tinambakan natin ang coastal end.
NAWAWALA ANG NATURAL NA ESPASYO AT DALOY NA DAPAT PAGDAANAN NITO.
Kaya kahit nasa Hagonoy, Calumpit, Apalit, Macabebe o Masantol ka, hindi ibig sabihin na wala kang koneksyon sa nangyayari sa NMIA.
Ang tubig ay walang political boundary.
Hindi nito alam kung Bulacan o Pampanga. Hindi nito alam kung coastal o inland town. Kaya hindi sapat na tingnan ang reclamation bilang isang proyekto lamang sa Bulakan.
KAILANGAN NATING TINGNAN ANG BUONG INTERCONNECTED DELTA.
Bago tayo magdagdag ng mas maraming dike, pumping station at flood-control structures, dapat muna nating tanungin:
Ano ang binago sa natural drainage system?
Gaano karaming floodplain at wetland ang nawala?
Paano naapektuhan ang tidal exchange?
At paano nakakaapekto ang reclamation sa paglabas ng tubig mula sa buong interconnected system?
Hindi namin sinasabing NMIA lamang ang dahilan ng bawat baha.
Ang punto ay simple: ANG GANITO KALAKING RECLAMATION SA CRITICAL COASTAL END NG ISANG INTERCONNECTED DELTA AY HINDI PUWEDENG BALEWALAIN SA FLOOD ANALYSIS.
Huwag nating isara ang drain habang patuloy na binubuksan ang gripo—at pagkatapos ay magtaka kung bakit umaapaw ang bahay.
PROTEKTAHAN ANG DELTA.
HUWAG LALO ITONG PALIITIN.
BIGYAN NATIN NG ESPASYO ANG TUBIG NA MAKALABAS.
FOLLOW THE WATER. PROTECT THE DELTA.



