Home Headlines Angeles City, Katuwang ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Patuloy na...

Angeles City, Katuwang ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Patuloy na Pagtataguyod ng Kaligtasan

293
0
SHARE
Kinilala si Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II sa pagdiriwang ng 35th Anniversary ng Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office 3 ngayong Agosto 17, 2026, bilang pagkilala sa kanyang patuloy na suporta, pakikipagtulungan sa pagpapalakas ng public safety at emergency response sa Angeles City. Ang award para kay Mayor Jon ay tinanggap ni Mr. Jose Aubrey “Jay” Pelayo IV, City Information Officer, bilang kanyang kinatawan.
 
Isinagawa ang Awarding Ceremony sa Otel Pampanga, Lazatin Boulevard, City of San Fernando, Pampanga, sa ilalim ng temang “Tatlong Dekada at Limang Taon ng Serbisyong Tapat at Maasahan: BFP sa Bagong Pilipinas.”
 
Sa plaque of appreciation mula sa Bureau of Fire Protection Central Luzon, kinilala ang pamunuan ni Mayor Jon para sa kanyang commitment and support sa BFP, kabilang ang pagsusulong sa pagtatatag ng dalawang fire substations sa Bayanihan Park at Cuayan.
 
Binigyang-pagkilala rin ng BFP ang mahusay na inter-agency coordination at agarang pagbibigay ng logistical at operational support ng Angeles City Government sa panahon ng Collapsed Structure Search and Rescue Operations sa Barangay Balibago.
 
Mahalaga ang ganitong pagtutulungan lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis na koordinasyon, sapat na kagamitan, at maayos na pagtugon. Sa bawat emergency, ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, BFP, at iba pang response agencies ay mahalaga upang maprotektahan ang buhay at kapakanan ng mga Angeleño.
 
Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing pagpapatibay sa patuloy na commitment ng Angeles City Government na palakasin ang fire protection, disaster preparedness, emergency response, at inter-agency cooperation sa lungsod.
 
🚒 Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na Angeles City.
 
Para sa kaligtasan. Para sa bawat Angeleño.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here