50 estudyante sa Bulacan tini-trace

    422
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Halos 50 estudyante ang hinahanp ngayon ng mga health officials sa Bulacan habang hinihintay nila ang laboratory result sa isang estudyanteng Filipino-Japanese na nagpakita ng sintomas ng Influenza A (H1N1).

    Ayon kay Dr. Joycelyn Gomez,  provincial public health officer ng Bulacan, abala ngayon ang mga opisyal ng municipal health office sa bayan ng Hagonoy at Bulakan sa pagsasagawa ng contact tracing.

    Sinabi niya na halos 50 estudyante ang posibleng nakasalamuha ng mag-aaral ng St. Mary’s Academy sa Hagonoy, at Donya Candelaria Meneses Duque Memorial High School sa bayan ng Bulakan bago kinakitaan ang mga ito ng sintomas ng sakit.

    “There is no official report yet, dahil on going pa ang contract tracing,” ani Gomez na siyang opisyal na tagapagsalita ng Bulacan hinggil sa A (H1N1).

    Ayon kay Gomez, ang resulta ng laboratory test sa Filipino-Japanese student mula sa Hagonoy ay maaring ilabas sa mga susunod na araw.

    Noong Huwebes, hindi na pinapasok ang mga mag-aaral ng Sta. Mary’s Academy.

    Sa bayan naman ng Bulakan, sinabi ni Dr. Irmingardo Antonio, medical officer ng  Department of Education (DepEd) sa Bulacan, na ang Department of Health ang nagpayo na suspindehin ang klase sa Donya Candelaria Meneses Duque Memorial High School.

    Kaugnay nito, sinabi ni Education Secretary Jesli Lapus na hindi dapat kinansela ang klase sa mga nasabing paaralan dahil hindi pa naman kumpirmadong may A (H1N1).

    Batay sa ipinalabas na memorandum ng DepEd, ang klase ay maari lamang suspendehin kung kumpirmadong may A (H1N1) sa isang paaralan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here