Open letter para ipagdasal ang ‘Alabang Boys’ whistleblower ikinalat

    409
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan – Libo-libong kopya ng isang open letter na humihiling na ipanalangin ang whistleblower sa Alabang Boys scandal na si Major Ferdinand Marcellino ang ipinakalat ng kanyang mga dating guro mula sa bayang ito.

    Ayon kay Teresita Balatbat, principal ng St. Anne’s Catholic High School kung saan nagtapos si Marcelino noong 1988, natatakot umano siyang mabaligtad sa kasong kinakaharap ang dating estudyante niya.

    “Best protection natin ang prayer,”ani Balatbat na nagsabi ring nagka-ideya siya na gumawa ng isang open letter upang ipanalangin si Marcelino matapos marining ang pangamba ng isang paring humanga sa kanyang dating estudyante.

    “Dahil sa aking narinig, nalarawan sa aking diwa na si Major Ferdinand Marcelino ay tulad ng isang sisiw na handang saklutin ng lawin,” ani ng guro.

    Batay sa isang pahinang liham pakiusap, sinabi ni Balatabat na bilang dating guro ni Marcelino, naniniwala siya na ang isipan, diwa, puso at buong pagkatao ng kanyang dating esyudyante ay nababalot ng kabutihan at katotohanan.

    Sinabi pa niya sa liham pakiusap na “nanalig akong nagsasabi siya ng totoo tungkol sa mga pangyayaring kinasangkutan umano ng “Alabang Boys.””

    “Ito po ang dahilan kung bakit nakikiusap ako sa inyo na ipagdasal natin si Major Ferdinand Marcelino at ang ilan pang nakikipaglaban alang-alang sa katotohanan at katarungan bilang pagmamalasakit sa bayang minamahal,” ani pa niya.

    Ayon kay Balatbat, ang nasabing liham pakiusap ay naikalat na nila sa lalawigan ng Bulacan at maging sa mga simbahan at eskwelahan sa Maynila sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan, dating estudyante at mga magulang.

    Si Marcelino na pang 11 sa 13 magkakapatid ay isinilang sa Barangay Sta. Elena ng bayang ito noong 1971.

    Siya ay nagtapos bilang class valedictorian sa Sta. Elena Elementary School at napabilang sa top ten ng St. Anne’s Catholic High School noong 1988.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here