Carjacker utas sa engkwentro

    441
    0
    SHARE

    BOCAUE, Bulacan—Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang hinihinalang kasapi ng notorious carjack group matapos makipagbarilan sa mga pulis noong Miyerkoles ng hapon.
    Kinilala ni Supt. Ronald De Jesus, hepe ng pulisya ng bayang ito ang suspek na si Victor Guinto ng Barangay Hinukay, Baliuag, Bulacan.

    Si Guinto, ayon sa pulisya ay kasapi ng Raymond Rodriguez gang, isang notorious na carjack gang na nagsasagawa ng operasyon sa Metro Manila at Bulacan.

    Ayon kay De Jesus, bandang alas 3:30 ng hapon noong Miyerkoles nang makasagupa nila ang mga suspek sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Biniang 1st sa bayang ito.

    Habang nagpapalitan ng putok, tinamaan si Guinto, ngunit idineklang dead on arrival sa Rogaciano Mercado Memorial District Hospital sa kalapit na bayan ng Sta. Maria.

    Nakarekober ang pulisya ng tatlong sasakyan matapos ang encounter, kabilang dito ang isang Toyota Hilux, isang Toyota Altis, at isang Honda Civic, bukod pa sa kalibre 45 pistola, at  M-16 rifle.

    Sa isinagawa namang follow up operations sa safehouse ng mga suspek na natagpuan sa Meralco Village sa Barangay Batia, nakarekober ang pulisya ng 24 na plaka at mga spare parts para sa ibat-ibang sasakayan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here